Unconditional Love is loving without expecting anything in return.

Biyernes, Abril 6, 2012

XXXX. Ang Tuluyang Paghihiwalay at Isang Di Inaasahang Makikilala (When one door closes, another door opens..)

Hi Guys, 

Sorry sa napakatagal na update.. Ito na ang last chapter ng aking kwento.. May kaunting kwento po ako after ng chapter na ito tungkol sa isang hindi inaasahang pangyayari na siyang magmumulat sa akin sa lahat ng katotohanan.. Sana po ay magustuhan niyo...

--Pagkapasok ng CR ni Van ay nakita ko ang kanyang cellphone na nakalapag sa lamesa. Kinuha ko iyon at sinubukang tignan, hindi pa din niya binabago ang password nito kaya nabuksan ko naman agad. Pagtingin ko sa inbox niya ay puro text lamang ng kanyang kapatid ang nandun dahil puro Kuya RJ lang ang pangalan. Ngunit nagtaka ako dahil nang basahin ko ang isang text ay sinabi ng "Kuya RJ" niya na sasamahan daw siya na makipagkita sa akin dahil baka kung ano daw ang mangyari. Nagulat ako, hindi naman alam ng kanyang kapatid ang tungkol sa amin kaya nagtaka ako bakit sasamahan pa niya si Van makipagkita sa akin. Nang sinimulan kong tignan ang phone number ng "Kuya RJ" niya ay parang pamilyar sa akin ito. Kinopya ko ang number na ito at inilagay sa cellphone ko para i-dial. Para kong sinaksak sa puso nang magregister ito sa cellphone sa isang pangalan sa contacts ko, ang "Kuya RJ" sa cellphone ni Van... Si Aaron, ang buddy ko..--

Paglabas ng CR ni Van ay hinarap ko siya para tanungin, "Bakit di mo maamin sa akin na si Aaron pala yung dream guy mo?" Nakangiti ako habang itinanong ko yun at nagpapanggap akong OK na talaga ang lahat. "Ayoko na sanang sabihin dahil alam kong kaibigan mo siya at ayoko kayong masira. Kung magagalit ka sa kanya kuya, sa akin na lang at wag na sa kanya please? Ako naman ang may kasalanan ng lahat, mahal na mahal ko siya at ayokong masira ang pagkakaibigan niyo ng dahil sa akin", ang mga sagot ni Van na tila lumalatay pa din sa akin nung gabing iyon habang naririnig ko sa kanya. "Pero tinraydor niyo ko, anong gusto mong gawin ko? Na kunwari walang nangyari at ok lang ang lahat?", sagot ko naman sa kanya. "Kuya hindi naman kami eh, at wala na tayo nun nang may nangyari sa amin, kaya nga wala na kong mukhang maihaharap sayo, at sinabi ko sa sarili ko na handa kitang makalimutan para lang mahalin niya ko." "Pero di ka naman niya mahal diba? Kilala ko si Aaron at ayaw niya ng commitment." "Oo alam ko naman kuya, kaya nga masakit eh, ngayon pa lang alam ko na yung nararamdaman mo, yung mahalin ng sobra yung taong hindi ka naman mahal." Nung gabing iyon ay nagusap na lamang kami ni Van, itinanong ko sa kanya kung anong nagustuhan niya kay Aaron. Sinabi niya na nagustuhan daw niya ito dahil sa pagkaastig nito, na masyadong seryoso at yung hindi daw vulnerable at hindi tulad ko na laging umiiyak sa tuwing may mga nangyayari. Sinabi ko naman sa kanya na kaya lang naman ako nagkakaganito ay sa tuwing nagkakaron kami ng problema at gusto niyang makipaghiwalay sa akin. Ngunit napagpasyahan na daw niya ang lahat ng ito. Humingi ako ng pabor sa kanya na ihatid siya sa kanilang bahay sa huling pagkakataon at pumayag naman siya. Habang papauwe kami sa kanila ay napapaluha muli ako sa bus na sinasakyan namin. Pilit kong iniisip ang lahat ng mga nangyari sa amin. Kung ano ba talaga ang naging puno't dulo ng lahat at kung bakit sa ganito humantong ang relasyon namin ni Van. Ako nga ba ang may kasalanan ng lahat kaya kami nagkaganito? Nakakasakal ba talaga ang pagmamahal ko at umiikot ang mundo ko sa isang tao lang? Lahat ng ito ay gumugulo sa isip ko hanggang sa hindi ko na lang namalayan na nandun na pala kami sa kanto ng baranggay nila at oras na para bumaba ng bus. Inihatid din niya ko sa sakayan ng bus pabalik sa bahay namin at nagpaalam na nga. Pagkasakay ko ulit ay hindi ko na napigilan na itext si Aaron, "Buds, traydor ka, akala ko kaibigan kita pero ganito pa ang ginawa mo sakin. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko pero wag ka na muna makipagusap sa akin." Nagreply naman si Aaron pagkarating ko ng bahay. "Sorry kung nilihim ko buds, pero ang gusto ko talaga sana eh tulungan ka at malaman naman ang side niya." Hindi na ko sumagot muli at hindi ko na tinext si Aaron. Nagtext naman si Van sakin at nagsosorry sa ginawa niya na sa bestfriend ko pa daw siya nainlove. Gusto niya daw talaga ko maging kaibigan at ayaw din naman daw niyang masayang ang pinagsamahan namin kaya pinatawad ko pa din siya. Tinatanong ko sya kung OK na siya at sinabi naman niyang medyo ok na din siya. Umiiyak kasi siya nung gabing nagusap kami nang dahil sa mga nagawa niya sa akin at dahil sa nararamdaman  niya na hindi siya mahal ni Aaron. Hindi pa siya nagtatapat dito pero sinabi ko na kailangan niyang ipagtapat ang nararamdaman niya para kay Aaron. "Take a chance bunso."

Haha.. Siguro marami sa mga nagababasa sa inyo ngayon ang magsasabi na napakatanga ko sa lahat ng ginawa ko. Na ako pa ang talagang gustong tumulong sa kanya para magustuhan siya ni Aaron. Kaso isang gabi ng magkatext kami ni Van ay halatang badtrip siya dahil inaaway niya ko at kung ano ano ang gusto niyang sabihin sakin. Hanggang nung mga panahong iyon ay sinusubukan ko pa din naman na makipagbalikan sa kanya at hindi pa ako sumusuko. Nagsorry din siya bago matulog at inamin na niya sa akin na nagtapat siya kay Aaron ng nadarama niya pero tulad ng aking inaasahan ay hindi talaga open sa 'commitment' si Aaron kaya mas lalong nasaktan si Van. Kinabukasan nun ay magisa lang ako sa bahay at sinabi ko ito kay Van at inalok na pumunta siya sa amin kung gusto niya ng kausap. Makalipas ang ilang oras ay nagpunta naman siya sa bahay. Naguusap kami at tinatanong ko kung ok siya, sinabi niyang ok lang pero ramdam ko naman na hindi.

C: Umamin ka sa akin, ok ka lang ba talaga?
V: Hindi kuya, masakit pala talaga nu? Umamin ako pero di niya naman ako mahal.

Nagsimula nang umiyak si Van sa akin nang yakapin ko siya. Ngunit mas naiiyak ako sa mga nangyayari. Dahil dun napaluha na din ako, "Di kita iningatan ng sobra para lamang masaktan ng ganito, nagagalit ako kay Aaron dahil di man lang niya nakayang ibalik yung pagmamahal na binigay mo sa kanya." Nagulat na naman ako at nasaktan sa mga sinabi niya.

"Bakit kasi hindi na lang ikaw pa din yung minahal ko kuya nu? Salamat ha, na kahit na ganito ang ginawa ko sayo ay andyan ka pa din para sa akin. Ikaw na yung isa sa pinakamabait na taong nakilala ko." Napangiti ako at umiiyak ng ilapit ko ang mukha ko sa kanya. Hindi naman siya umiwas at naglapat muli ang aming mga labi, di maipaliwanag ang saya at lungkot ko nun dahil nahagkan ko uli siya, ngunit ang sakit na hindi na sana nangyari ito kung hindi din sa aking kagagawan, iminulat ko siya sa ganitong mga bagay at bandang huli ay masasaktan din pala siya. May nangyari sa amin nung araw na iyon at di ko naman pinagsisihan dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko pa din siya. Alam naman din niya ang intensiyon ko ngunit hindi ko na sinasabi iyon dahil ayoko siyang madaliin uli kung sakaling magkakaroon pa kami ng isa pang pagkakataon.

Makalipas ang ilang araw ay naging mabuti na uli ang samahan namin ni Van. Paminsan minsan ay napaguusapan namin si Aaron ngunit ng malaon ay parang natigil din iyon. Nangako siya na magiging matino siya at babaguhin din ang sarili niya para sa akin, ngunit para na din daw lalo kay aaron, susubukan na niya ule na magkagusto sa mga babae at hindi naman ako kumontra sa mga naiisip niya. Masakit man tanggapin ngunit kung magkakagusto siya sa babae ay wala na kong magagawa. Iyon ang reality at kailangan ko na din naman na tanggapin na minsan may mga bagay na hindi talaga para sa isa't isa.

11-11-11
November 11, 2011. Matapos ang isang matinding away 'Magkaibigan' sa pagitan namin ni Van ay nagsorry siya sa akin ng araw na iyan. Nagplano kami sa umuwi sa amin sa Cavite at pumayag naman siya na sumama para makapagpahinga din. Habang papauwe kami for the first time ay hindi matanggal sa akin ang excitement. Magkasama kami sa bus papauwe hanggang sa makarating kami na nakangiti lang at hindi masyadong naguusap. Pagdating namin sa bayan ay bumili muna kami ng pagkain at dumiretso na sa bahay. Pagdating namin ay kumain kami ng mga binili naming pagkain. Gutom na gutom kami dahil sa biyahe. Matapos nun ay nanood ng TV at humiga sa kama. Tulad ng alam naman namin talaga, may nangyari uli sa amin at nagawa ko pang maipasok ang daliri ko sa loob niya, nagulat din ako sa response niya at di ko inasahan na magugustuhan niya iyon dahil sinabi niya na ulitin ko daw. Mainit ang naging pagtatalik namin ni Van nung gabing iyon at tila ginawa niya talaga iyon para makabawi lang sa mga masasakit na salitang ibinigay niya sa akin a week before kaming magpunta sa bahay. Kinabukasan nun ay umuwe na kami, inihatid ko siya tulad ng dati, pagkababa niya ng bus ay nagtext agad siya. "Kuya salamat sa lahat, hindi ko alam kung pano ko makakapagpasalamat sayo, sana sapat na yung mga nangyari kagabi para sa lahat ng mga masamang ginawa ko sayo. Hindi ko man masabi sayo ng personal pero ikaw ang da best na Kuya na nakilala ko. Na kayang isakripisyo ang maraming bagay para lang sa pagmamahal. Salamat at nakilala kita kuya. Salamat sa lahat. Mangiyak ngiyak na naman ako sa mga nabasa kong text. I can never wonder on how does this guy can make me cry over and over. Hindi ko alam kung bakit ganun ang nararamdaman ko na parang may kakaibang mangyayari ngunit hindi ko na lang muna inisip iyon at tuluyan na kong nakauwe ng bahay.

Makalipas ang halos dalawang linggo ay hindi na kami masyadong nagtetext ni Van. Nagulat na lang ako isang gabi ng magtext siya sa akin at nastranded daw siya sa Boni station ng MRT at nawalan siya ng pamasahe. Pauwe na ko nun at sinabi kong antayin nya ko at pupuntahan ko siya. Ngunit sinabi niyang ok na daw at susunduin na siya ng kanyang nanay at wag na daw akong mag abala pa. Naramdaman ko na talaga ang pagiging kakaiba ng turing niya sa akin. Tinanong ko ang problema na naman at sinabi niyang wala. Ngunit di ako napigilan at sinabi kong kailangan naming magusap. Ngunit sa sinabi na naman niyang reply sa akin, "kailangan na nating mag move on at tapusin ang lahat ng ito." Nagulat ako at sinabi kong kakausapin ko siya sa weekend para maayos kung ano man ang problema...

November 26, 2011 - Ang tuluyang pamamaalam..
Sinabi ko kay Van na pupunta ko sa kanila para kausapin siya. Kung ano ano ang sinabi niya sa akin na wala daw siya dun, aalis daw siya at wag ko na daw asahan na makikipagkita ako sa kanya kahit kelan. Di ako nagpatalo at pumunta pa din ako sa kanila mismo. Alas dos ng hapon ng dumating ako sa bahay nila ngunit sinabi ng kanyang nanay na kaalis lang daw at baka gabi na bumalik. Sinabi ko naman na maghihintay ako o pupuntahan ko na lang sa shop na pinaglalaruan nila ng DOTA. Kahit hindi ako pamilyar sa lugar ay hinanap ko siya, tinetext ko siya at kung ano ano nang masasamang salita ang natatanggap ko pero hindi ko pa din inintindi un. Alas sais y medya ng gabi at bumalik ako sa bahay nila para makita ulit ang kanyang nanay na paalis, sinabi ko na aantayin ko na lang siya sa kanila dahil may importante akong sasabihin. "Oh sige iho iwanan na muna kita dito at parating na din siguro iyong batang iyon." Tumungo na ang kanyang nanay sa kanyang pupuntahan at makalipas ang isang oras ay dumating na si Van at kinausap ako. "Oh sabi mo aalis ka na pag nakita mo ko diba?" Maangas niyang sabi. Lumakad siya papalabas ng kanilang compound at sumunod ako, nakiusap akong kausapin niya ako para maayos man ang kung anong problema. Sinusuntok ko na siya sa kalye para lang kausapin ako. "Nasasaktan ako tang ina!", pasigaw niyang sabi sa akin. Nang umakyat na kami sa overpass ay sinabi kong tatalon ako kapag hindi pa din niya ko kinausap. "Pwede ba wag kang gumawa ng eksena dito?!", galit na si Van sa pagsasabi. Naghabulan pa kami at matapos ang ilang pagmamakaawa ay tuluyan na siyang bumigay at pumayag na makipagusap. Sumakay kami ng jeep papunta sa magallanes sa may PNR kung saan kami dating nagusap.

Pagkababa namin ay nang isang lugar kung saan wala masyadong tao na dumadaan. Nang makakita kami nagsimula na kaming magusap. "Kausapin mo naman ako, sorry sa ginawa ko kanina Van. Pero please sana ayusin natin to."

V: Pakawalan mo ko. Kalimutan mo na ko please?
C: Hindi ko kayang mawala ka Van. Mahal kita.
V: Pero hindi na kita mahal. Kahit kaibigan. I need space para ayusin ang sarili ko.
C: Pero tinutulungan naman kita diba?

V: Di ka pa ba nagsasawa? Tapusin na natin to. Paulit ulit na lang tayo eh.

C: Sorry, hindi ko alam kung papano ko makakabawi sayo.
V: Iwanan mo na nga ako! Ayoko na!
C: Hindi ko nga kaya! Maawa ka naman sakin Van. Wag mo naman akong iwan ngayon.

Sa mga sandaling iyon ay nangingilid na ang luha ko sa usapan namin. Hindi ko na mapigilan na hindi umiyak at iniiwas ko nalang ang sarili ko sa tuwing may magdadaan. Hanggang sa parang nakaisip ako ng isang hindi mabuting paraan.

C: Sabihin mo, gusto mo na ba talaga na mawala ako?
V: Anong ibig mong sabihin?
C: Oo o hindi lang! Sumagot ka!
V: Tigilan mo ko! Ayan ka na naman, ipananakot mo na naman yang pagpapakamatay mo!
C: Oo o hindi? Diba wala ka na namang pakialam?
V: Uuwe na ko.

Tumayo si Van at hinabol ko paakyat ng hagdanan ng bigla akong madulas at nahulog sa hagdan. Mabuti na lamang at nahawakan niya ang kamay ko.

V: Ano bang ginagawa mo?!
C: Iiwan mo na talaga ko. Wala ng silbi na mabuhay pa ko.

Bumaba siya at umupo uli kami sa isang tabi.

C: Bakit ganito? Lahat ng pinagsamahan natin ganito na lang ang magiging ending?
V: Gusto ko ng magbago. Kailangan ko ng space para magisip.
C: Ok cge, ilang araw bago ko pedeng kausapin ka uli?
V: Hindi araw. Buwan, o baka taon.
C: Grabe ka naman, parang ayaw mo na talaga kong makita?
V: Oo, hindi pa ba sapat sayo yun?
C: Sabihin mo na kasi ang totoo, ano bang problema sa akin ha? Ano bang problema?!
V: Gusto na kitang kalimutan. Gusto ko nang tapusin natin ang lahat.
C: Ano bang ginawa ko?
V: LAHAT! Minulat mo ko sa sex! Ilang buwan pa lang tayo nagkakasama pero tatlo na ang nakasex kong lalaki! Nang dahil lahat sayo! Sa tuwing nakikita kita, naalala ko lahat ng ginawa ko. Nang ginawa natin, na kapag naaalala ko yun at nakikita kita ay puro kasalanan lang ang iniisip ko! PINAGSISISIHAN KO NA NAKILALA KITA!

Humagulgol na ko sa mga narinig ko kay Van. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero kahit papaano naman ay alam kong totoo ang sinabi niya. Ako ang nagmulat sa kanya sa mundong ganito. Ako ang nakaimpluwensya sa kanya na gawin ang ganito. Hindi ko alam pero parang nabigla din ako. Na parang sa laht ng sinabi niya ay bumalik ang mga bagay sa akin, ang unang pagkakataon na namolestiya ako. Ang panloloko ko sa isang tao dati na halos nagpakamatay dahil sa ginawa ko. Ang iba pang mga nakasex ko para lang sa sinasabi nilang "Trip" at ang pagkamatay ng aking bestfriend na si KIKO. Naalala ko pa ang mga sinabi niya sa akin, "Maging matatag ka at kayanin mo ang lahat, minsan may mga pagkakataon na wala kang aasahan na tutulong sayo kundi ang sarili mo lamang." Hindi ko napansin na natahimik na pala ako nung pagkakataon na iyon, narinig ko muling nagwika si Van.

V: Kung mahal mo talaga ako, patunayan mo kuya. Palayain mo na ako.

Puro luha na ang mata ko at wala na kong pakialam sa mga tao sa paligid.
..if you love someone, set them free, if they go back, you were meant to be, if they don't, let them be..
Naalala ko ang sinabing biro sa akin ni Jared nun, naisip ko na pinagtawanan ko pa yun dati pero ngayon ay nandito na ko sa sitwasyon na iyon. Hindi ko na alam pa ang aking gagawin. Makalipas ang ilang minuto ay tumayo ako sa harapan ni Van, huminga ng malalim, at lumapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. Wala na kong pakialam sa mga taong dumadaan pero parang napakatagal ng mga yakap na yun. Mga yakap na hindi ko alam kung mauulit pa. Ang huling yakap sa isang taong MINAHAL ko. Habang yakap ko siya ay inilapit ko ang aking bibig sa kanyang tenga at bumulong.

"Kung gusto mo talagang patunayan kong mahal kita, heto na. Sana di mo makalimutan na minahal kita ng buong puso. Kung may pagkakamali man ako ay sana mapatawad mo ko. Di ko naman ninais na sa ganito matapos ang lahat. I really loved you kahit sex ang naging basehan ng relasyon natin. Sana maging masaya ka sa lahat ng gagawin mo bunso. Mahal na mahal kita, heto na ang kalayaan mo. Sana di mo ko makalimutan.."

Napansin ko na walang imik si Van sa aking mga sinabi. Pagkatapos kong sabihin sa kanya iyon ay hinigpitan ko ang yakap sa kanya at sa huling pagkakataon ay hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya, bumitaw, tinapik ang likuran at naglakad papalayo. Hindi ko napigilan ang mga luha ko at napatigil maglakad at umupo sa isang tabi sa may magallanes. Hindi ko na napapansin ang mga taong naglalakad at umiyak lang ako ng umiyak. Nang mapigilan ko na ang pagdaloy ng mga luha sa aking mata ay tinignan ko ang puwesto ko saan ko iniwan si Van at wala na siya dun.

Pagsakay ko sa bus ay natanggap ko ang isang text sa kanya.
"Kuya, salamat ha. Alam kong napakasakit para sayo ng ginawa ko. Alam ko na hindi biro ang ginawa mo para sa akin pero salamat dahil minahal mo talaga ko ng totoo. Sana balang araw makita mo din ang taong mamahalin mo ng higit pa sa akin at mamahalin ka pa din at di ka lolokohin. Napatunayan ko na mahal mo talaga ko. Sorry sa mga salitang nabanggit ko kanina. Hangad ko pa din ang tagumpay mo kuya. Hanggang sa muli nating pagkikita."

Sa muling pagkakataon na iyon ay napaluha na lamang ako habang nakikinig sa shuffle ko. Napatugtog ang kantang Skyscraper ni Demi Levato.


You can take everything I have
You can break everything I am
Like I'm made of glass
Like I'm made of paper
Go on and try to tear me down
I will be rising from the ground
Like a skyscraper
Like a skyscraper


Naisip ko, kailan kaya ako magiging ok at marerealize ang lahat ng katangahan na ginawa ko? Iyon na ang huling pagkikita namin ni Van at ang huling text na namagitan sa amin. Hindi ko na muli siya nakita hanggang ngayon. Makalipas ang mga tatlong linggo matapos ang gabi gabing pagiyak ay medyo natauhan na din ako. Nasaktan talaga ko sa mga nangyayari at nagpakatanga pero sabi nila ay yun daw ang pagmamahal. Masasaktan ka kapag totoo ang pagmamahal mo. Para sakin ay tapos na ang lahat, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko kapag nagbangga kami ni Van o ni Aaron pero nakapag move on na ko sa mga nangyari. Narealize ko lang ang lahat ng magsimula akong magblog at isang buwan matapos ang huli naming pagkikita ni Van ay mag nagtext sa akin na hindi ko inaasahan.

"Hi, kamusta ka na? Sana ok ka na ngaun."
"Sino ka?"
"Ah nakita ko lang yung blog mo ng hindi inaasahan tapos binigay mo sakin yung number mo"
"Ah ok, wanna meet up?"
"Para saan naman?"
"Wala baka gusto mong magtrip?"
"Ganyan ka ba talaga?"
"Ang ano?"
"Ginagawa mo talaga yan sa lahat ng kameet mo?"

Natauhan ako sa lalaking nagtext sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero kakaiba ang naging impact ng mga text niya. Nung una ay sinungitan ko siya pero after nun ay hindi na din kami muling nagkatext nung taong 2011. Natanggap ko ang text niya nung new year habang umiiyak ako.

"Hi, ako uli to, sana makita mo na yung taong magpapaligaya sayo."

Mula nung araw na iyon ay nagsimula na kaming magtext madalas at nagtiwala ako. Ibinigay ko ang tunay kong pangalan, ang iba pang mga bagay hanggang sa makapagpalagayan kami ng loob. Guess what?

"WHEN ONE DOOR CLOSES, ANOTHER DOOR OPENS"

Hindi ko alam kung bakit pero masaya ako dahil sa nakilala ko siya. Ngayon, masaya kaming dalawa sa isat isa at malapit na ang 3rd monthsary namen. Pero ang kwento sa likod ng lahat? I think that would be a new story... XD

--FIN--


*********************************************************************************************
Guys,

The end! Salamat po sa lahat ng tumangkilik sa blog ko. Alam ko po na napakatagal ng naging update ko pero sana po ay nagenjoy kayo sa lahat ng nakwento ko. Alam ko pong medyo madrama at di tulad ng iba na puro kalibugan yung naging laman. Pero kaya ko po nakwento sa inyo to ay para magkaroon din ng kaunting inspirasyon o parang aral na rin para di niyo ko gayahin. Kapag may minahal kayo ay siguraduhin niyong aalagaan niyo at di niyo sisirain ang relasyon niyo. Di mo talaga inaasahan pero may isang tao talagang nakatakda para sayo at makikilala mo siya sa isang panahon sa buhay mo na pinakamalungkot ka. At yung sakin, yung story ko dito na puro lungkot, napalitan na ng saya dahil nakilala ko na yung taong yun. Sana po maging masaya tayong lahat. Salamat sa lahat ng readers na nagcomment maging sa ibang site pati sa mga readers na nagtetext. Pasensya na po at naging busy sa work kaya matagal nagupdate. Sorry din po kung di na ko nagrereply kasi pinagbabawalan na po ako ng asawa ko. =)

At sa iyo asawa ko, alam kong mababasa mo din ito. Gusto kong malaman mo na MAHAL NA MAHAL kita at di ako nagsisisi na nasaktan ako nung una dahil ang naging kapalit naman nun ay nakilala kita at dumating ka sa buhay ko. Salamat sa pagmamahal na binigay mo sakin sa kabila ng lahat. Sana maging masaya tayo habang buhay.

Salamat po sa inyong lahat. Hanggang dito na lang po. =)

Prince Cedie...
*********************************************************************************************

Lunes, Pebrero 6, 2012

XXXIX. Pagtatraydor

Makalipas ang ilang araw ay nagulat ako na hindi na nagtetext ng madalas sakin si Van. Nagtataka na din ako nang bigla na lamang parang nakalimutan na niya ako. Sinubukan ko siyang itext at kontakin at nakausap ko naman siya. Sinabi niya sa akin na wala naman daw problema, wala lang daw siyang time para magtext dahil madaming ginagawa. Ngunit hindi ako naniwala, sinabi ko na magkita kame sa darating na Biyernes para magusap at pumayag naman siya. Sinabi niya na kailangan na daw naming tapusin ang lahat. Isasauli na daw niya lahat ng mga gamit na ibinigay ko sa kanya sa araw na iyon at nagulat na lamang ako sa mga biglaang desisyon niyang iyon. Hindi ko na muna ito pinansin at inintay ko na lamang ang araw ng biyernes para kami makapagusap.

Dumating ang araw ng biyernes at nagkatext kami, ayaw niyang makipagkita sa akin at sinasabi na kung pwede bang wag na lamang kaming magkita, hindi ako pumayag kaya't inintay ko siya sa mismong eskwelahan niya para kausapin. Nagmukha akong tanga sa pagaantay ng higit sa dalawang oras hanggang makarating siya. Paglabas nya ay kasama niya ang mga kaklase niya at nagpanggap ako na hindi ko siya kilala at sinundan ko silang magkakaibigan. Nang magkahiwahiwalay sila ay inantay ko siyang magtext at ayun na nga, nagusap kami at isinosoli na niya lahat ng gamit, halos umiyak na ko nun dahil ilang oras ko siyang inantay para pagusapan ang lahat ngunit para sa kanya ay tila balewala na lamang ang lahat. Sinabi niya sa akin, "sino bang nagsabi na magantay ka ng ganun katagal ha? Wag kang gumawa ng eksena dito pwede?" Ibang iba ang kaharap kong Van nung gabing iyon. Ngunit kahit papaano ay napapayag ko pa din naman siyang sumama sa akin. Nagpunta kami sa madalas naming pinupuntahan, sinasabi niya na uuwi din daw agad siya ng alas 10 dahil ihahatid niya ang kaklaseng babae niya pauwe, napakadami niyang dahilan nun, sinasabi pa niya na alam ng kanyang kuya ang gagawin niya ngayon. Nagulat na lamang ako sa mga dahilan niya kaya minabuti kong harapin siya sa mga oras na iyon.

Pagkapasok namin sa pension house na iyon ay nagusap kaagad kami. Itinanong ko kung bakit niya ginagawa iyon, sinabi niya ng diretsahan sa akin, "Gusto na kitang kalimutan, wala na kong nararamdaman sayo at hindi na kita mahal." Umiiyak na ko habang pinakikinggan ang mga masasakit na salita na nanggaling sa kanya. Niyayakap ko siya ngunit napakalamig na ng turing niya sa akin, halos wala na kong pagasa nuon kaya tinanong ko siya, "May nakilala ka na bang iba?". Ang pinakamasakit na sagot na manggagaling sa kanya ang narinig ko mula mismo sa kanyang bibig. "Oo, at ibang iba siya sayo at mahal ko siya." Halos mabaliw na ko sa narinig kong iyon. "Bakit? Bakit mo ginawa sa akin to? Anong masama ang ginawa ko para lokohin mo ko ng ganito Van? Sumagot ka!" Itinutulak ko siya nang mga sandaling iyon at hindi na siya umimik. Akmang kukuhanin na niya ang kanyang mga gamit at nagwikang, "Tama na to, wala nang patutunguhan to, aalis na ko." "HINDI KA AALIS!", pasigaw kong sinabi, hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang mga braso at sumagot naman siya, "bitiwan mo ko nasasaktan na ko tangina Ced!", "Gago ka, ipinagpalit mo ko sa iba sa kabila ng lahat!" sumbat ko naman sa kanya. Itinulak ko siya sa kama at parang nandilim ako at sinakal ko siya, "PAPATAYIN KITA! WALA KANG KWENTA!", tumutulo ang mga luha ko at natigilan ako ng makita kong nagmamakaawa siya na tigilan ko na ang ginagawa ko. Lumakas ang iyak niya at bigla akong tumayo sa aking pagkakapatong sa kanya, tumayo siya at umupo sa sulok habang umiiyak ng malakas. "Pauwiin mo na ko, natatakot na ko sayo, please, pakawalan mo na ko", pagmamakaawa ni Van. "Sorry! Hindi ko sinasadya, please wag kang matakot sakin", papalapit na ko sa kanya pero nanginginig siya sa takot nang hawakan ko siya. Pinakalma ko ang sarili ko habang pinakikinggan ang mga sinasabi niya, "Kung mahal mo ko, pakawalan mo na ko kuya, maawa ka sakin, kakalimutan ko lahat ng nangyari paalisin mo lang ako." Mga ilang pagpapalitan ng salita din ang nangyari sa amin hanggang sa mapakalma siya at makumbinsi ko na bukas na lamang umuwe para makapagpahinga na din siya. Nang naging ok na uli ang sitwasyon ay kinausap ko siya. "Kelan mo nakilala yung lalaki? Anong itsura? Paano kayo nagkita?" Sumagot naman siya, "Sa text lang, nagkita kame after ng ilang araw nitong week lang na ito, siya yung dreamguy ko. Ibang iba siya, nang makita ko pa lang siya ay may naramdaman na agad ako, at ngayon alam kong mahal ko na siya." Sumagot naman ako, "may nangyari sa inyo?" "Oo meron, at di ko pinagsisihan ang mga nangyaring iyon." Nakangiti ako na naluluha habang sumagot, "Ang swerte naman niya, wala na pala talaga tayong pag asang magkabalikan talaga." Nagpatuloy ang paguusap namen at mga ilang sandali ay nagpunta siya ng CR para maghilamos at ayusin ang sarili niya.

Pagkapasok ng CR ni Van ay nakita ko ang kanyang cellphone na nakalapag sa lamesa. Kinuha ko iyon at sinubukang tignan, hindi pa din niya binabago ang password nito kaya nabuksan ko naman agad. Pagtingin ko sa inbox niya ay puro text lamang ng kanyang kapatid ang nandun dahil puro Kuya RJ lang ang pangalan. Ngunit nagtaka ako dahil nang basahin ko ang isang text ay sinabi ng "Kuya RJ" niya na sasamahan daw siya na makipagkita sa akin dahil baka kung ano daw ang mangyari. Nagulat ako, hindi naman alam ng kanyang kapatid ang tungkol sa amin kaya nagtaka ako bakit sasamahan pa niya si Van makipagkita sa akin. Nang sinimulan kong tignan ang phone number ng "Kuya RJ" niya ay parang pamilyar sa akin ito. Kinopya ko ang number na ito at inilagay sa cellphone ko para i-dial. Para kong sinaksak sa puso nang magregister ito sa cellphone sa isang pangalan sa contacts ko, ang "Kuya RJ" sa cellphone ni Van... Si Aaron, ang buddy ko..

Itutuloy..
*********************************************************************************************
Hi Guys,


Napakatagal bago ko naupdate itong blog na ito. Pagpasensyahan niyo na po dahil naging sobrang busy na sa work at marami pang iba. Ayoko na nga sanang tapusin to pero kahit papano ay may mga readers pa din na nangungulit kung kelan magkakaron ng bagong update. Isang chapter na lang po ang natitira at makakasigurado kayo na magiging mahaba ang huling chapter na iyon dahil may mga mangyayari pa matapos ito. Opo, si Aaron po, siya ung six-footer na buddy ko na hinihingan ko ng tulong sa tuwing nagkakalabuan kami ni Van. Abangan niyo na lang po ang magiging huling chapter sa kung ano ang magiging ending ng aking kwento.


Maraming salamat po sa lahat ng nagbasa ng blog kong ito.


-Prince-

*********************************************************************************************

Sabado, Enero 14, 2012

XXXVIII. Isang Pagpapanggap

Habang nakasakay ako sa MRT ay nagkatext pa kami ng kaunti ni Van. Mga last words bago pa man tuluyan bigyan siya ng space para makapagisip isip at mag move on. Mga tanging nasabi lamang niya sa akin ay mga pasasalamat sa lahat ng pagmamahal na ibinigay ko sa kanya. Na ako daw ang da best na kuya na nakilala niya. Bago pa siya tuluyang nagpaalam ay nasabi niya ang mga salitang, "mahal kita kuya". May halong kirot sa dibdib ko habang binabasa ko ang mga text niyang iyon. Nakauwe ako ng medyo matamlay sa aming bahay at wala na ulit natanggap na text mula kay Van.

Halos nawalan ako ng gana pumasok sa trabaho pagdating nang araw ng lunes. Hindi ako masyadong nagsasalit nun dahil sa mga nangyari. Maraming nagsasabi na hindi ko dapat pinagsasama ang personal life ko sa trabaho dahil malaki ang magiging epekto nito. Ayun na nga, halos wala akong kinausap nun at hinayaan ko lang na lumipas ang oras hanggang sa makauwe ako.

Kinabukasan naman ay biglang may nagtext na number sa akin at nagulat ako, isang simpleng Hi lang ang natanggap ko kaya tinanong ko kung sino siya. Nagpakilala ang nagtext sa Kelvin at taga bf homes paranaque daw siya. Nung nagtext pa lamang siya ay may hinala na ako kung sino ang nagtext na yun kaya sinakyan ko na lamang kung anong trip niya. Magkatext kami mula bago ako pumasok sa trabaho hanggang sa pagdating ko sa work. Marami siyang tinatanong, kung wala daw bang magagalit kapag katext ko siya, kung single daw ba talaga ko. Sinabi ko naman na galing ako sa breakup at sinabi kong ok lang naman makipagtext. Bigla siyang nag assume na nakapagmove on na daw ako kaya nakikipagtext na ko sa iba. Doon pa lang sa sinabi niyang iyon ay alam ko nang si Van talaga ang kausap ko. Bago pa man ako makareply uli ay nagsabi na siya ng totoo. "Kuya, si Van nga pala to, sige burahin mo na tong number ko sa cellphone mo." Sinabi niya na gusto na daw sana niya ko balikan pero bigla na namang nagbago ang isip niya. Masyado pa talaga siyang bata para sa mga ganitong bagay. Kahit papano naman, kahit hindi kami nagkabalikan ay bumalik ang pagiging magkaibigan namen, yung tipong parang mag kuya kami at parang walang nagbago. Alam kong nakakatext na din niya si Aaron dahil nagkaroon ng time na humingi ako ng tulong kay Aaron nung mga panahong nagkakalabuan kame ni Van at alam kong magkakilala na sila.

Bumalik sa dati ang samahan namen ni Van. Nagkikita kame tuwing weekends, kumakain sa labas at ang mga normal naming ginagawa dati nung kami pa. Masaya na ko kahit papano sa ganong set-up namen. Na hinahayaan niya lang ako na mahalin ko siya sa paraan na alam ko. Nagkaroon kami ng mga kaunting problema tulad ng dati, na sinasabi niya na mahal ko pa din siya at boyfriend pa din daw ang tingin ko sa kanya. Nagkaroon ng time na nagusap kame sa may Magallanes station sa may PNR tungkol dito. Na gusto na niyang umiwas, na kalimutan ang lahat, pero hindi ako pumayag. Kahit papaano naman ay naayos namin iyon at naging ok uli kame. Nagsorry siya sa akin at sinabi niyang hindi na niya gagawin iyon. Naging okey uli kami nun at naging maayos na naman ang samahan namen.

Minsan, nagkita kame isang martes sa Cubao para pahiramin siya ng magazines, sa mga panahong ito ay sinusuyo ko pa din si Van na makipagbalikan sa akin. Nagsasakripisyo ako na kahit galing ako sa trabaho ay hinihintay ko siya kahit pagod na pagod na ako. Ganun naman kasi talaga kapag nagmahal ka diba? Lahat kaya mong gawin para lamang sa taong mahal mo. Inamin niya sa akin na hanggang kapatid na lamang ang tingin niya sa akin talaga kaya sana daw ay tanggapin ko na lang ang katotohanan na hanggang dun lang ang kaya niyang ibigay. Mangiyak ngiyak pa din ako nung marinig ko sa kanya iyon. Bago pa man kami umuwe ay hinatid ko siya sa sakayan ng bus. Nagpanggap ako na OK na ang lahat ngunit sa loob ko ay masakit pa ding tanggapin. Bago pa man siya sumakay ng bus pauwe ay masaya na uli kaming dalawa noong gabing iyon.

Tila mapaglaro talaga ang tadhana. Dalawang araw matapos ang nangyaring iyon ay magkatext kami ni Van nung gabing iyon. Kinakamusta ko siya at sinabi niyang ayos lang naman daw siya. Sinabi niya na nasa bahay daw siya at kakauwe lang galing school. Mga ilang minutong pagtetext ay sinabi niyang masama ang pakiramdam niya at masakit ang ulo niya, kaya sinabi ko sa kanya na magpahinga na lamang siya kesa magkasakit pa. Kahit wala siyang pasok kinabukasan ay kailangan niyang magpahinga para siguradong OK siya. Nagpasalamat siya sa akin at nagpaalam na itetext na lang daw niya ako sa susunod. Ang hindi ko alam nun ay nagsisinungaling pala si Van sa akin. Isang pagpapanggap na hinding hindi ko inaasahan na gagawin niya sa kabila ng lahat ng pagmamahal na ibinigay ko sa kanya..

Itutuloy..

*********************************************************************************************
Hi Guys,

Sorry po kung matagal ang update, last 2 chapters na lang pala at tapos na ang story kong ito. Pasensya na kayo kung minadali ko na ang istorya ko. Gusto ko na din kasi matapos ito para mas makapagconcentrate sa kung ano ang meron sa kasalukuyan. Tatapusin ko lang ito para sa lahat ng mga naging readers ng blog ko. Maraming salamat sa lahat ng sumuporta at nakinig sa saya at lungkot ng istorya kong ito. Sabi nga nila, hindi naman lahat ay may happy ending pero habang mayroon pa tayong buhay, may pag asa. Napaka ironic diba? Kahit ako ay ayokong maniwala sa mga nangyari pero gusto kong ishare na lamang ang lahat ng ito sa pagtatapos ng aking kwento.

Sana patuloy niyo pa ding subaybayan ang huling 2 chapters ng kwento ko. Maraming salamat po uli.

Cedie..
*********************************************************************************************

Martes, Enero 10, 2012

XXXVII. The Breakup

Habang nasa bus ay wala na kong nareceive na txt mula kay Van o kay Eric. Halos wala na namang sigla sa mukha ko nung mga oras na iyon. Dumating ako sa bahay ng mga alas-tres ng madaling araw at wala akong imik nang tanungin ako ng Mama ko kung saan ba ako nanggaling. Ibinigay ko na lamang ang sweldo ko sa kanya at tuluyan ng pumasok sa aking kwarto. Pagkapasok ko ay ni-lock ko agad ang aking kwarto at humiga sa kama at tuluyan ng umiyak hanggang sa nakatulog.

Nagising ako ng alas sais ng umaga at natanggap ko ang text ni Van na nag aalala daw siya sa kung nasaan na ba ako at kung anong nangyari, nagpanggap na lang ako na ok ako at sinabi kong hihintayin ko na lang na magkita kami para makapagusap ng maayos. Sinabi ko na kung pwede na sa susunod na biyernes ay magusap kami ng seryoso, pumayag naman siya at sinabi niyang gusto niyang maging maayos ang hiwalayan namin. Nagulat ako at nasaktan nang mabasa ko iyon. Ang ibig sabihin ay nakapagdesisyon nga siya na maghihiwalay na nga kami. Hiniling ko nun na sana hindi na dumating pa ang araw na iyon.

Napakatamlay ko sa trabaho, nahalata iyon ng mga kaibigan ko at itinatanong kung ayos lang ba ako. Nakikipagbalikan ako kay Van nun kahit hindi pa man talaga kami. Habang kumakain kame ng mga kaibigan ko ng lunch ay katext ko si Van, itinatanong ko kung ano na lang ba ang nararamdaman niya sakin. Napaiyak ako nang mabasa ang reply niya, "Awa na lang ang nararamdaman ko sayo." Nakita ito ng mga kasamahan ko at hindi ko napigilang mag walk out habang kumakain. Kinausap ako ng dalawang lalaki kong kasama at tinatanong kung ayos lang ba talaga ko at ipinabasa ko ang text ni Van. Babae ang pangalan niya sa cellphone ko para hindi malaman ng mga kasama ko na lalaki pala ang inaakala nilang girlfriend ko. "Ang kapal ng mukha niya pare, dapat di mo yan iniiyakan. Move on man!" , sabi ng isa kong kasama. Pinahid ko ang mga luha ko dahil ayokong magmukhang mahina sa trabaho at hindi ko na muna inisip o tinext si Van ng mga araw na iyon.

September 23, 2011
Dumating ang araw ng biyernes at nagtext si Van sa akin at humihingi ng tawad sa mga nasabi niya sa akin, sinabi niya na maguusap kami ng maayos mamayang gabi para maging okay ang lahat. Kinakabahan ako dahil ayoko na ngang dumating ang araw na ito, pero sa isang banda ay gusto ko na ding makita si Van dahil isang linggo kaming hindi nagkakausap ng maayos at puro problema lang ang nangyari. Hindi ko alam kung maaayos pa ba ang mayroon sa amin o sadyang matatapos na lang ito lahat ngayong gabing dadating.

Nagkita kami ni Van sa Cubao pagkatapos ng aking trabaho, bumili na kami ng pagkain sa isang malapit na fastfood doon para dire diretso na kami sa pupuntahan namen. Sa unang pinuntahan namen kami nagpunta, na malamang ito na ang magiging huling beses na magpupunta kami dito. Nang makarating kami sa pension house ay sabay na kaming pumasok at nagbayad ako sa teller at dumiretso na kami sa kwarto. Pagkapasok ay dumiretso siya sa kama at humiga at ako naman ay naupo sa gilid ng kama. Sinabi niya na gusto niya munang magpalabas bago kami magusap ng maayos pero ako naman ay seryoso kaya hindi ko pinatulan ang biro niya. Mariin kong itinanong sa kanya sa seryosong tono ang kanyang sinabi, "Totoo ba ang sinabi mo na awa na lang ang nararamdaman mo sakin?". Biglang nagiba na din ang itsura niya at sinabi niya sa akin na, "hindi naman, siguro dahil inis na inis lang ako sa mga ginawa mo nun kaya nasabi ko yon. Itinanong ko sa kanya kung may nangyari sa kanila ni Eric nang iwanan ko sila, sumagot siya na wala naman na daw, tanging hinalikan lang daw siya nito at niyakap buong gabi. Gusto ko man maniwala ngunit sa loob loob ko ay may magagawa ba ko kung malaman ko kung may nangyari pa sa kanilang iba maliban sa mga sinabi niya? Nagusap pa kami ng kung anu-ano hanggang sa itanong ko na sa kanya ang ikinatatakot ko.

"So ano ang naging desisyon mo bunso?", "Kuya, magbreak na nga tayo, mas magiging ok to para sa ating dalawa." Halos madurog ang puso ko sa mga sinabi niya at wala na akong nagawa kundi tanungin kung bakit. Nagpaliwanag siya na nung iniwan ko silang dalawa ni Eric ay nagpromise sila sa isa't isa na magiging matino na daw, na balak niya sa hinaharap na bumuo ng isang pamilya at wala na ako sa mga plano niya sa hinaharap. Gusto daw niyang gayahin si Eric na may planong magkapamilya balang araw at maging straight uli. Nasaktan talaga ako sa mga sinabi niya, naging malakas ang impluwensiya sa kaniya ni Eric na nakilala lang niya nung araw na iyon over sa akin na naging boyfriend pa niya sa halos tatlong buwan naming magkasama. Sinabi niya sa akin na para din daw sa akin ang ginagawa niyang ito at ayaw niya na masaktan pa ako sa huli kapag dumating na ang araw na iyon, hindi ko na napigilan ang umiyak sa mga nangyayari. Sinabi ko na mahal na mahal ko siya kaya nagmakaawa ako na sana isipin niya ang mga desisyon niya ngayon. Hindi ko na din naman nabago ang isip niya at bigla niyang pinutol ang usapan ng sabihin niyang magbibihis lang siya sa banyo. Pagpasok niya sa banyo ay pinakialaman ko ang cellphone niya at nabasa ko na may mga text si Eric sa kanya. Parang ang sweet sweet nila kaya nagulat na lamang ako at nasaktan. Paglabas niya ng kwarto ay inagaw niya ang cellphone niya at sinabing, "hindi ka dapat nakikialam ng gamit ng may gamit!" "Si Eric ba? Bakit magkatext kayo? Siya na ba ang mahal mo kaya mo ginagawa to?", mangiyak ngiyak kong sabi. "Hindi, magkaibigan lang kami, ako nagsabi sa kanya na wag sabihin na magkatext kami dahil alam ko na ganito ang mangyayari. Aalis na ko." Akmang magbibihis siya ngunit niyakap ko siya, "Van, please, pagusapan naten to, wag mo naman akong iwan oh." Umiiyak na ko habang sinasabi ko ang mga salitang iyon at umupo siya sa tabi ko, nagsimula siyang magsalita, ngunit bago pa man siya magsalita ay umiyak na din siya, hinding hindi ko malilimutan ang mga sinabi niya sa akin nung gabing iyon habang umiiyak siya, "Kuya hirap na hirap na ko, na sa tuwing gumagawa ako ng masama ay nasasaktan kita, napakabait mo sakin at marami ka nang ginawa para sa akin, nagpapasalamat ako sa lahat ng pagmamahal mo, gusto kitang maging matatag kahit wala na ako, matuto kang tumayo sa sarili mong paa at wag kang aasa sa ibang tao sa pagiging matatag mo." Sa mga narinig kong iyon ay hindi ko napigilan na maalala ang aking bestfriend na si Kiko. Halos pareho sila ng sinabi ni Van sa akin, mahina ba talaga ako? Umaasa ba talaga ako sa mga taong nakapaligid sakin o sadyang ito lang ang daan nila para makapagpaalam ng hindi ako tuluyang masasaktan? Sinabi ko kay Van na iyan din ang sinabi sa akin ni Kiko bago pa man siya huling mawala at natahimik siya. Ilang minuto ang lumipas at nakatalikod lang ako sa kanya at siya ay nakahiga lamang at nakatingin siguro sa kisama ng kwarto. Humarap ako sa kanya, umupo kame (indian sit) sa kama, nagsimula akong magsalita, "Bunso, mahal na mahal pa din kita, papayag ako sa gusto mo kung para sa atin ba talaga to, pero eto ang pakatatandaan mo ha, ikaw lang ang lalaking mamahalin ko ng buong buhay ko, ikaw lang ang may ari ng puso ko, at kahit anong mangyari, kung maging desisyon mo man na bumalik sa normal, magiging masaya ko para sayo, pero kung sakaling hindi mo na kaya, andito pa din ako handang antayin ka, kapag hindi mo kinayang panindigan iyan, balikan mo ko, pangako ko na hinding hindi ako aalis, ikaw lang ang mamahalin ko." Umiiyak ako at niyakap ko siya, nararamdaman ko pa din ang mga hikbi niya at hinintay ko ang sagot niya. "Kuya, alam mo bihira lang ang mga tao na tulad mo, yung tunay ang pagmamahal, pero ayokong maghintay ka sa wala, wag mo paikutin ang mundo mo sa akin, dahil hindi yata tayo ang para sa isa't isa.", "Sssh, wag mo isipin yun, basta nangangako ako, mahal kita at andito pa din ako kung sakaling babalik ka." "Sige kuya, i promise, na ikaw ang unang unang tatakbuhan ko kung sakaling hindi ko kayanin na panindigan ang desisyon ko. Salamat kuya, ITO ANG ISA SA PINAKAMASAYANG BREAKUP sa lahat." Hindi ko na talaga napigilan ang lumuha uli habang nakangiti sa mga sinasabi niya. Sinimulan kong magpakatatag kunwari at sinabing, "oh siya, tama na to, ilang oras na lang tayong magkakasama, sulitin na natin, yakapin mo ko sa huling gabi na makakasama mo ko ha." Tumango naman siya at tuluyan na kaming natulog. Hindi niya alam ay pinagmamasdan ko lang siya nung gabing iyon habang natutulog siya, gusto kong tandaan ang mukha niya, ang mga mata niyang tumutunaw sa akin kapag tinitignan ko siya, ang kanyang ilog, ang kanyang labi na nagpaparamdam sakin kung gaano niya ako minahal. Hinding hindi ko malilimutan si Van na naging parte na ng buhay ko, na nagpasaya muli sa akin at nagbigay ng mga ngiti mula ng mamatay ang aking bestfriend. Alas kwatro na ng madaling araw nun, isa't kalahating oras na lang bago kami tuluyang maghiwalay. Naisip ko na hilingin sa kanya na isama ako sa kanila para kahit papaano ay malaman ko lamang kung san sila nakatira. Paggising niya ay alas singko na ng umaga, nagpanggap akong kagigising ko lang at sinabi kong 30 minutes na lang ang natitira sa amin, hindi ko na naman napigilang umiyak, anlaki laki kong tao pero naging iyakin ako, niyakap niya ako at sinabing tumahan na ko at hindi bagay sa akin ang umiiyak. Sinabi niya na magpapalit na siya ng sim card para simulan ang pagbabago na plano niya. Pumayag naman ako at sinabi niyang itetext na lang daw niya ako para ipaalam ang number niya. Nagbihis na kami at mahahalata mo ang lungkot sa aking mga mata habang ginagawa yun, bago kami lumabas ng pension house ay kumuha ako ng litrato naming dalawa na magkasama, for the last time, hinalikan ko din siya sa kanyang mga labi at tinanong ko kung papayag na ba siya na ihatid ko siya sa mismong bahay nila at pumayag naman ito.

Lumabas na kami ng pension house at nagsimula nang magbiyahe papunta sa kanila. Sumakay kami ng jeep papuntang Cubao at pagkatapos nung ay sumakay naman ng bus. Habang nasa bus, ay nakikinig ako ng music, hindi ko napigilang mapaiyak ng mapakinggan ko ang kanta ng train, ang Marry Me.


Forever can never be long enough for me
Feel like I've had long enough with you
Forget the world now we won't let them see
But there's one thing left to do

Now that the weight has lifted
Love has surely shifted my way
Marry Me
Today and every day
Marry Me
If I ever get the nerve to say
Hello in this cafe
Say you will
Mm-hmm
Say you will
Mm-hmm

Together can never be close enough for me
Feel like I am close enough to you
You wear white and I'll wear out the words I love
And you're beautiful
Now that the wait is over
And love and has finally shown her my way
Marry me
Today and every day
Marry me
If I ever get the nerve to say hello in this cafe
Say you will
Mm-hmm
Say you will
Mm-hmm

Promise me
You'll always be
Happy by my side
I promise to
Sing to you
When all the music dies

And marry me
Today and everyday
Marry me
If I ever get the nerve to say hello in this cafe
Say you will
Mm-hmm
Say you will 


Sa bus ay tumutulo ang luha ko habang pinakikinggan ko ang kantang iyon, lalo na sa bandang bridge, "promise me that you'll always be happy by my side". Alam kong maghihiwalay na kami pero kailangan kong tanggapin ang mga nangyari. Kailangan kong magpakatatag para sa sarili ko dahil wala na akong tanging aasahan na makakatulong sa akin kundi ang aking sarili lamang.

Pagdating namen sa kanilag bahay ay nakilala ko ang kanyang tatay, nakausap ko sandali at inihatid naman niya ako pabalik sa sakayan ng MRT. Habang nasa biyahe ay tanging ngiti at pangungusap lamang ng mga mata ang ipinalit namen sa isa't isa. Napakabigat ng loob ko ng mga araw na iyon. Pagdating namin sa MRT ay tanging byebye na lamang ang nasabi niya sa akin, hindi ko man lang siya muling nayakap sa huling pagkakataon, sinundan ko na lamang ng tingin ang pagalis niya sa istasyon ng tren at ako ay sumakay na din papauwe na parang pinagsakluban na ng buong mundo..

Hindi pa pala iyon ang huli naming pagkikita, mas marami pa palang mangyayari at mas masakit pa, kung sana ay sa ganito na lang natapos ang aming pagsasama para masabi kong isang maayos na closure ang naganap, ngunit hindi pa din pala..

Itutuloy..
*********************************************************************************************
Author's Note:

Hi Guys,

5 more chapters to go! Matatapos na ang aking 2011. Pasensya na kayo kung matagal bago ko nakapagupdate kasi busy talaga sa trabaho. Naramdaman niyo pa ba yung sakit dito sa chapter na ito? Gusto ko na sana ikwento sa inyo yung nangyayari ngayon 2012 pero hayaan ko na lang muna na matapos ito. Pero gusto kong malaman niyo na okey na ako. Tatapusin ko na lamang ito for the sake of my readers. Ayoko din naman kasi na biglang sa putulin ang kwento kaya tatapusin ko pa din po ang kwentong ito para sa inyo. Sana po ay patuloy niyo pa din pong subaybayan ito hanggang sa nalalapit nitong pagtatapos.

Maraming salamat po..

Cedie.
*********************************************************************************************