Unconditional Love is loving without expecting anything in return.

Sabado, Disyembre 31, 2011

XXXVI. New Year's Day : Special Chapter

January 1, 2012

Hi guys,

Happy new year po sa inyong lahat. Pasensya na po kung hindi na ko nakakapagpost ng mabilis dahil naging busy po sa work at nawalan ng time sa pagsusulat. Kamusta po ang new year niyo? Sorry uli kung di ako makakapagpost ng bagong chapter ngayon pero mag fast forward po ule tayo ngayon dahil may gusto din po akong ishare sa inyo ngayon sa mga nangyari sakin bago mag new year hanggang sa pagsapit ng eksaktong oras na ito, 2:35 am.

December 26, 2011. Isang buwan na kami mula nung maghiwalay ng tuluyan ni Van kahit bilang magkaibigan. Ang akala ko tulad ng ibang mga nameet ko dati, kapag nawala ng medyo matagal ay parang mababalewala ko na lang ang lahat ng mga nangyari sa amin. Inisip kong tulad lang din ang lahat ng nangyari sa mga tao na nameet ko dati na pawang isang malaking "trip" lamang. Ngunit sino nga ba naman ang lolokohin ko? Na sa tuwing paggising ko ay palagi kong hahawakan ang iPhone ko para magtxt ng gudmorning tapos buburahin ko din agad dahil nangako nga pala kong hinding hindi ko siya guguluhin pa dahil nga sa iyon ang gusto niya. Pagkatapos nung pasko ay hindi na ko nakakatulog ng maayos, wala naman akong iniisip na gaano pero mas naging malala yung insomnia ko. Isang oras na nga lang ang tulog ko sa bawat araw at nakakatulog ako sa trabaho, mabuti na lamang at hindi ako nahuhuli na natutulog dun kundi malilintikan ako. Gusto ko ng magpacheck up sa doktor sa kalagayan ko pero alam ko din naman ang sasabihin nila, na stress lang iyon at kailangan kong magpahinga ng mabuti ng walang ibang iniisip. Tumatakas ako sa tuwing mga alas dos ng madaling araw para lang magmotor at magpahangin. Nagmomotor lang ako ng hindi ko alam kung saan ako tutungo. Minsan tatambay ako sa isang park malapit sa amin para lang umupo, tumingin sa madilim na paligid para patayin ang oras. Pang napagod ako ay uuwi na din sa bahay at susubukang matulog. Naging gawain ko yun these past few days para lang malimutan kahit papano ang mga problema ko.

Minsan naisip ko, masaya kaya ngayon si Kiko kung nakikita niya kong ganito? Na nahihirapan at hindi alam kung anong gagawin dahil sa wala ka talagang masabihan ng personal ng mga problema mo. I always look cool to some of my friends, I always wear that mask kaya wala talagang makakita ng kung ano ang tunay na nararamdaman ko sa loob. Sa pagsusulat ko nitong blog na ito ay nagkaroon ako ng mga readers at nagpapayo sa akin ng mga bagay bagay kung paano ako makakaforward sa buhay ko. Nagpapasalamat ako kahit papano dahil concerned sila sa akin kaso ang problema is ako pa din naman yung may choice sa kung ano ang gagawin at hindi ko gagawin. Ang mahirap kasi sa sitwasyon ko ay laging puso ang umiiral sa isang tulad ko.

Sinabi ko sa sarili ko na kakayanin ko to, ngunit sa bawat gabi na nakikinig ako ng mga kanta bago matulog, hindi naman sa naging iyakin na ako pero pag nakakarinig ako ng kanta na tumatagos sa puso ko ay hindi ko napipigilang umiyak. Sabi nila, mas maganda daw na ilabas mo yung mga sama ng loob mo sa pamamagitan ng pag iyak hanggang sa mapagod ka na sa ginagawa mong ito. Naku, kung makikita niyo lang ang itsura ko, yung eyebags ko ay sobrang laki na ng dahil sa pagkapuyat at pagiyak gabi gabi. Napansin na nga din to ng mga kasamahan ko sa work at sinabing magpahinga naman daw ako kahit isang araw man lang nang wala talagang iniisip. Ganun na ba ako kadaling mabasa? Ang huling huli na ayaw kong mamngyari is dalhin ang problemang personal sa trabaho dahil mas maapektuhan ako nun pero sa tingin ko kusang nagkakapatong patong na sila para maging komplikado ang lahat.

Itong blog na ito na lamang yung nagiging way ko para mailabas yung ibang sama ko ng loob. Pagpasensyahan niyo na kung naging madrama na ito. Maniwala man kayo o hindi, maski ako man ay gusto kong maging masaya tong kwento ko. Pero tulad din ng sabi nila, hindi lahat ng story ay laging may happy ending, ang nasa isip ko naman, ending na ba talaga to ng story ko?

Gusto kong ishare yung nangyari saken nitong December 31 hanggang sumapit itong bagong taon. Dahil sa sobrang kagustuhan kong makalimot ay nililibang ko ang sarili ko sa pagsusugal. Habang naglalaro ako buong hapon ay halos limang beses yata tumugtog yung theme song namen ni Van. Alam ko wala ng epekto sa kanya yun pag naririnig niya, pero sakin malaki pa din ang impact ng kantang yun. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing naririnig ko yun ay naaalala ko yung mga masasayang memories naming dalawa. Tapos may reader pa na nagtext sakin na natutuwa sa story namen, na parang normal na boy-girl relationship ang kwento namen ni Van at natutuwa siya at naaliw kahit hindi pa niya natatapos. Ang swerte daw ni Van dahil bihira lang daw ang mga tao na nagmamahal ng tunay at totoo. Naisip ko na naman, swerte nga ba talaga siya o ako yung swerte dahil kahit papano ay naranasan ko uli yung magmahal at mahalin?

Lastly, pagsapit lang nung new year, napansin ni Mama na matamlay ako at itinanong niya kung may problema ba ko dahil sa napapansin daw niya na pilit yung mga ngiti ko. Ang mga nanay nga naman, yan ang mahirap sa kanila eh, kahit anong tago mo ng problema mo ay makikita at mararamdaman nila yun. Pero syempre nag deny naman ako na kulang lang sa tulog kaya ganun at natanggap naman ng Mama ko ang sagot ko, wew Nagvivideoke kame kanina ng mga kapatid ko nang sinimulan ng ate ko na kumanta ng isang slow song dahil gusto lang daw niyang kantahin iyon, hindi ko naman alam kung bakit. Nang magsimula na yung kanta, nagulat ako sa kanta. Ou medyo luma na iyon pero parang ngayon ay talagang nakakarelate ako sa mga titik ng kantang iyon. 

Bakit ba hindi ko mapigilan ang  
Nadarama ng puso ko  
Kahit pa alam kong meron kang iba 
Hindi pa rin magbabago and damdamin ko

Nung una eh medyo natatawa pa ko kasi nagkakamali sa lyrics si ate, pero nung sumunod na verse na, napatahimik ako at napatingin sa screen.

Kaya kong ialay ang lahat sa iyo  
Kahit ako'y di mo gusto
Nais lang na minsa'y makapiling ka  
At minsa'y madama na akin 

Parang tinamaan na ako dito, kasi ganito ako magmahal. At isa pa, gusto ko siyang makita muling nakatawa. Kahit hindi niya ko makita, kahit maging stalker type lang ako tapos makita ko lang na masaya siya ay ayos na sa akin. 

Kahit Sandali  
Pag-ibig mo sana'y maramdaman man lang
Mayakap ako at mahagkan kahit di mo mahal  
Ang pag-ibig ko'y sa iyo lamang 

Sa maniwala kayo o sa hindi, dati kapag kinakanta to ng kapatid ko ay tinatawanan ko lang. Pero kanina nung kinakanta na niya to, naaalala ko si Van. Bigla na lang akong napaluha at lumabas ng living room tapos nagpunas ng luha sa terrace. Umupo ako dun habang pinapatahan ko ang aking sarili, ayokong makita ako nina mama na nagkakaganito. New year at lumuha ako, ibig bang sabihin nun ay magiging malungkot ako buong taon? Napabulong ako sa sarili ko, "Happy New Year Bunso, naiisip mo pa kaya ako?" Hindi na nya ko mahal, alam ko yun, pero sana nga, kahit sandali, mayakap ko man lang siya at mahagkan uli, masayang masaya na ko. Alam niyo ba na magiging kumpleto yung new year's wish ko pag nagkita uli kami. Hindi ko alam kung mangyayari pa iyon pero nagpromise ako sa kanya dati, "Na siya lang ang lalaking mamahalin ko at siya ang pinagbigyan ko ng puso ko."

Ang korni ko ba? Hehe. Kung alam niya lang sana na ito yung gusto kong mangyari. Na gusto ko lang na makita siyang masaya na talaga sa nangyari. Hindi ko alam kung kelan ako magiging okey o magiging masaya. Pero as long as masaya na siya ngayon, masaya ako para sa kanya. Iyon naman kasi yata ang pagmamahal eh, gagawin mo ang lahat para sa taong mahal mo kahit ang pagkawala mo sa buhay niya ang magiging dahilan para maging masaya siya ng tuluyan.

Alam kong alam niya na gumawa ako ng blog tungkol sa story namen pero hindi ko alam kung binabasa niya to kasi gusto na nga niyang kalimutan ang lahat ng nangyari sa amin. Kaya dahil hindi naman niya mababasa to, gusto kong sabihin sa kanya, "Bunso, Happy New Year, I Loved You, and I'm very sorry to say, I still do. Kahit napakaliit o wala na talagang chance na magkita tayong muli, mamahalin kita mula sa malayo at tutuparin ko ang promise ko sayo dahil sabi mo nga patunayan ko kung gano kita kamahal."

Hanggang dito na lang po muna uli. Next na pong chapter is yung nangyari after nung pakikipagmeet namen with Eric. Sana po patuloy niyo pa din pong subaybayan ang blog ko kahit malapit na itong matapos.

-Prince- 

Huwebes, Disyembre 29, 2011

XXXV. Isang Maling Desisyon

September 2011

Sa pagdaan ng mga araw ay naging ayos naman ang takbo ng relationship namen ni Van. Nang dahil sa usapan na threesome ay nabalik ako sa isang site sa internet para maghanap ng potential na isasama namen ni Van sa susunod nameng pagsasama. Eksakto naman na sa dummy account ko sa fb ay nagmessage ang isa sa mga dati kong nameet at tinanong ko siya kung gusto niya bang sumama sa amin ng kaibigan ko, hindi ko sinabi na may relasyon kame ni Van. Ikinuwento ko kay Van ang tungkol dito at binigay ko naman ang pangalan nung nameet ko dati. Inadd niya iyon sa Fb niya at binigay ko din naman ang number niya para makausap niya at walang mangyaring ilangan kahit papaano. Kinabukasan ay napansin ko na parang hindi masyadong nagtetext sa akin si Van pero nagtext siya na wala na pala syang lod kaya hindi siya nakakapagtext. Pagkauwe ko sa aming bahay ay naisipan kong buksan ang fb account niya. Pagkabukas ko ay nakita ko sa mga recent messages niya na nakausap niya si JM, yung nameet ko dati. Binasa ko ang usapan nila at nakita kong gusto ni JM si Van dahil sinasabi nitong trip siya nito. Si Van naman ay parang walang reaksiyon ngunit hindi man lang niya sinabi na boyfriend niya ko. Parang nasaktan ako sa mga nabasa ko pa na usapan nila kaya nag logout na ko sa facebook niya at nagpasya akong kausapin si Van sa biyernes pag nagkita kame. Bago pa man kami magkita ay nagkausap kame sa facebook at sinabi ko na din ang tungkol sa iba ko pang nameet na posible nameng makasama,at naikwento ko si Aaron. Ibinigay ko ang fb account ni Aaron kay Van at parang naging interesado si Van kay Aaron. Binigay ko din ang number ni Aaron sa kay Van para matext niya kung sakaling pumayag si Aaron kapag niyaya ko siya na sumama sa amin. Sa darating na biyernes ay balak na sana naming magsama at simulan ang napagplanuhang threesome pero wala kameng nayaya kaya kami pa ding dalawa ang natuloy na magkita at magsama ng gabing iyon. Nung gabing iyon ay tila may nagiba sa kanya. Bigla kong binuksan ang isyu kay JM at sinabi ko na kuing pwede ba ay burahin na niya si JM at iblock niya sa fb niya dahil sa ayoko nang mainvolve ang sinuman sa amin kay JM. Pinagtanggol pa niya si JM hanggang sa nagkaron pa kami ng kaunting pagtatalo ngunit nang naglaon naman ay napagisip isip niya na tama naman ang point ko kaya pumayag na din siya sa gusto ko. Sa pagtatalo nameng iyon ay pinapili ko pa siya kung si JM ba o ako ang gusto niyang manatili, mabuti na lamang at ako ang pinili niya. Pagkatapos ng aming pagtatalo ay sinabi naman niya na si Aaron na lang ang isama namen at nagtatanong pa siya ng mga bagay bagay tungkol kay Aaron. Ikinuwento ko ang buong istorya kung pano kame nagkakilala ni Aaron ngunit hindi ko na sinabi ang mga nangyari sa amin. Napansin ko na interesado talaga si Van dito kaya parang nakaramdam ako ng selos sa mga actions ni Van. May halong pagaalala sa sarili ko habang kasama ko siya nung gabing iyon, tama ba na pumayag ako sa ideyang iyon o baka ito kaya ang maging dahilan para masira ang relasyon namen ni Van. Habang natutulog si Van katabi ko ay pinagmamasdan ko lamang siya, hindi niya alam na sa bawat gabing magkasama kame ay hindi ako natutulog para lamang bantayan siyang mabuti at pagmasdan at sa tuwing magigising siya ay magpapanggap akong tulog para hindi niya malaman ang pagbabantay na ginagawa ko. Mahal na mahal ko siya at ayokong may mangyaring masama sa kanya. At dahil sa kaunting panahon lamang na nagkakasama kami dahil sa limited na oras na pwede lang kaming magkasama ay sinusulit ko ang lahat ng ito. Napaluha ako ng kaunti habang pinagmamasdan ko siya sa pagiisip na paano na kaya ang mangyayari sa akin kapag nawala si Van sa buhay ko? Biglang pumasok sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ng aking bestfriend na si Kiko.

"Hinding hindi kita iiwan kahit anong mangyari, andito lang ako parati sa tabi mo bunso." Napaluha na naman ako dahil malapit na naman ang buwan ng October, ang buwan kung kailan naganap ang insidente na nagdulot sa akin ng isang matinding kalungkutan. Napaisip ako, paano kaya kung gawin din ni Van sa akin ang ginawa ni Kiko? Ang iwan na lang ako ng walang paalam? Nagsimula na naman bumalik sa akin ang mga masasamang alaala na dulot ng mga karanasan ko ilang taon na ang nakakaraan. Mula nang makilala ko si Van ay bumalik ang dati kong sigla, ang ngiti sa aking labi at ang pakiramdam ng may minamahal at inaalagaan. Masaya ako na ibinigay ng Diyos si Van sa aking buhay ngunit natatakot ako kung sakaling mawala din siya sa piling ko. Mas lalo tuloy namumugto ang eyebags ko sa pag iyak at sa pagkapuyat. Naging emotional na naman ako, ang dating nagpapakaastig na nakikipagmeet kung kani-kanino at nagpapaka cool na si Cedie ay naging mahina na naman at iyakin ngayon. Ngunit alam ko na kapag kasama ko si Van ay nagiging malakas ako at kayang kaya kong harapin ang anumang pagsubok hanggat alam kong nasa tabi ko siya. Siya ang pinagkukuhanan ko ng lakas para harapin ang mga dumadating na araw. Habang pinagmamasdan ko si Van ay hinawakan ko ang kanyang noo gamit ang aking kanang kamay. Mula sa noo, papunta sa kanyang mga mata, sa ilong hanggang dumako sa kanyang labi. Ang mga mata niyang nagsisilbing araw na nagpapatunaw sa akin kapag ako'y kanyang tinitigan. Ang kanyang labi na nagbibigay saya sa tuwing babakas dito ang mga matatamis na ngiti. Alam ko namang nararamdaman niya kung gaano ko siya kamahal ng buong puso ngunit alam ko din na bata pa si Van, marami pa siyang gustong gawin sa buhay at ayokong maging hadlang kung sakaling gusto niyang harapin ito ng wala ako. Pero umaasa ako na wag muna sanang dumating agad ang araw na iyon dahil hindi ko alam kung kakayanin ko na mawala siya sa buhay ko. Gumalaw na si Van sa kanyang pagkakahiga at humiga na din ako para magpanggap na nakatulog at gigising pa lang.

V: Kuya, anong oras na?
Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ko ang oras.
C: 6:30 na bunso. Goodmorning.
Akmang hahalikan ko sana siya ngunit umiwas siya.
V: Wag kuya, bad breath ako di pa tayo nakakapagtoothbrush.
C: Wala kong pakialam bunso.
Hinalikan ko si Van sa kanyang labi at wala na siyang nagawa kundi gumanti ng halik sa akin. Nagdikit ang mga katawan namen ni Van at naramdaman ko na may nagising maliban sa kanya at maski siya ay napansin kong ibinubunggo ang alaga niya sa aking gising na alaga.
C: Mukhang hindi lang tayo nung nagising bunso. (Sabay tawa sa kanya)
V: Ikaw kasi eh, tanggalin mo na yang damit ko.

Sinimulan ko ng tanggalin ang damit at iba pang suot ni Van at ganun din ang ginawa ko sa mga suot ko. Pagkatanggal ko ng aking mga damit ay muli kaming naghalikan at nagdikit na ang aming mga katawan, ramdam namen ang init ng isa't isa at unti-unting bumaba ang kamay ni Van sa aking alaga at nilaro ito. Ginaya ko ang bawat kilos niya at napaungol kaming pareho sa aming ginagawa. Ilang minuto pa ang lumipas at pumatong na siya sa akin dahil nararamdaman na naming pareho na malapit na kaming labasan. Sa kagaguhan ni Van ay binigyan niya ako ng kanyang laway at nagulat naman ako at di sinasadyang nalunok ito. Napaungol kame at sabay kaming nilabasan. Tumalsik sa aking tyan ang aking katas at ang kanya naman ay tumalsik ang iba sa aking dibdib. Pagkatapos nito ay dinagukan ko siya at sinabing. "Bakit mo ko binigyan ng laway? Adik ka bunso." Tumawa lang siya at hinalikan muli ako sa aking mga labi. Makalipas ang ilang minuto habang nakahiga kame at magkahawak lang ng kamay ay nagyaya na akong maligo kami at pumayag naman siya. Sa tuwing naliligo kame ay para siyang bata na pinaliliguan ko at sinasabon pa ang katawan niya. Siya din naman ay ginagawa din sa akin yun. Isa yun sa mga bagay na nakakatuwa sa amin, para kaming magkapatid na inaalagaan ang isa't isa. Pagkatapos naming maligo ay nagbihis na din kami para umuwi na dahil sabado na uli yun ng umaga, ang araw na ayaw kong dumating dahil iyon palagi ang oras na kami ay naghihiwalay para umuwi na sa kaniya-kaniyang bahay. Kumain muli kami ng almusal sa isang fastfood bago kami tuluyang umuwi. Sa tuwing nagkakasama kame ay lagi akong kumukuha ng litrato namen kahit papano bilang remembrance o para lang may tignan ako sa mga araw na hindi kami nagkikita. Ganun ko kamahal si Van. Dahil sa ito ang pinakauna kong naging relationship ay ibinuhos ko ang lahat ng aking pagmamahal sa kanya ng walang alinlangan dahil ito para sa akin ang ibig sabihin ng pagmamahal. Pagkatapos naming kumain ng almusal ay naghiwalay na ng daan pauwi. Tinext ko uli siya na magingat sa biyahe at magtext agad pagdating niya sa bahay para malaman ko kung ligtas siyang nakauwi. Nagreply naman siya agad na itetext niya ako agad at nagpasalamat uli siya sa akin sa pagsagot ng lahat pati ng pagkain namen. Wala naman iyon sa akin at sinabi ko na kaya ko ginagawa yun ay dahil mahal ko siya. Pagkatapos ng sandaling pagtetext namen ay umuwe na din ako sa aming bahay. Napaisip ako na sa higit dalawang buwan pala nameng pagkikita ay hindi pa ako nakakapunta sa bahay nila samantalang siya ay ilang beses nang nakapunta sa bahay namen. Naisip ko na sa susunod naming pagkikita ay sasabihin ko na isama naman niya ko sa kanilang bahay. Pagdating ko sa bahay namen ay nagpahinga nang muli ako at natulog.

Pagkagising ko kinatanghalian ay nagsurf namang muli ako sa internet. This time ay bumalik ako sa dating site na member ako dati. Pagkabukas ko ng account ko dun ay madaming nagmessage sa akin. Isa sa nakakuha ng pansin ko ay isang estudyante, graduating na din siya at CoE ang course. Halos puro personal info ang message niya sa akin at isinama niya din ang cellphone number niya sa message kaya kinuha ko ito at sinimulang itext. Nakilala ko na siya pala si Erick, 21 years old, nakameusap ko pa siya sa site at niyaya ko agad siya sa plano namen ni Van pero tulad ng napagusapan namen ni Van ay hindi namen sasabihin na may relasyon kame para walang mailang kung matutuloy man ito. Pumayag naman si Erick sa kasunduan at napagusapan namen na sa susunod na weekend ay magkikita na nga kaming tatlo. Ibinalita ko iyon kay Van at tinanong niya kung saan ko daw nakilala, kung okay kaya si Erick at kung mapapagkatiwalaan ba. Ikinuwento ko naman lahat at pumayag din siya na si Erick na nga ang isasama namen sa susunod na weekend. Kinakabahan pa din ako sa mga maaaring mangyari sa darating na biyernes na iyon. Bago pa man dumating ang biyernes na iyon ay nakakatext ko si Erick at sinasabi niya kung anong oras siya pwede sa biyernes. Sa tingin ko naman ay maleleyt ako ng dating kaya sinabi ko sa kanya na maaaring si Van na muna ang mauna na makipagkita sa kanya at antayin na lamang nila ako. Pumayag naman siya at napapansin kong parang excited siya na makita kaming dalawa.

Dumating ang araw ng biyernes, ang plano na matagal naming napagusapan ni Van ay mangyayari na. May halong kaba ang pakiramdam ko sa kung anong mangyayari. Tila ba hindi ako mapakali nung araw na iyon. Malapit nang matapos ang training namen at nagtext na si Van na anong oras daw ba kame magkikita. Nagtext na din naman si Erick na tapos na ang klase nila at pwede na daw siya ng oras na iyon. Dahil nga sa hindi pa ko matatapos ay sinabi ko kay Erick na si Van na muna ang imeet niya at tinext kong muli si Van.

C: Mahal ko, kaw na muna magtext kay Erick.
V: Nasan na daw ba siya?
C: Pwede kayo magkita sa may shaw blvd. station.
V: Sige kuya, pano?
C: Bigay ko yung number niya sayo.
V: Ok lang ba na itext ko siya? Baka magalit ka?
C: Sige okay lang bunso, basta text mo ko agad pag nagkita na kayo.
V: Okay kuya, antayin ka na lang namen sa cubao ha.
C: Sige bunso, I love you.
V: Mwa.

Sinend ko na kay Van ang number ni Erick at sinabi nitong itetext na lang daw niya si Erick. Tinext ko na din si Erick at sinabi ko na yung tropa kong si Van na lang muna ang makikipagkita sa kanya at susunod na lang ako pagkatapos ng training ko. Makalipas ng isang oras ay tinext ako ni Van na nagkita na daw sila at sinabi niya na halata daw kumilos si Erick, ngunit kasama na niya ito sa Cubao at inaantay ako. Nagulat ako dahil hindi ko alam kung nagsasabi ba ng totoo si Van o pinagtitripan niya lang ako. Hindi ko na tinext muna si Erick nun at si Van lang ang tinetext ko at tinatanong ko kung nasaan na ba sila. Sinabi ni Van na inaantay na daw nila ko sa may Jollibee sa farmers. Pagdating ko ng Cubao ay dali-dali akong naglakad papunta dun para hanapin sila. Pagkarating ko dun ay nakita ko si van na kausap si Erick. Pagkakita ko kay Erick ay napansin kong ayos lang naman siya at pinagtripan lang pala ko ni Van. Nakita ako ni Van at pasimple siyang ngumiti sa akin. Kinamusta ko din si Erick at sinabi ko na sa bus na kame magusap usap. Nakaramdam ako ng konting selos dahil sa nakita ko kanina. Pagkasakay namen ng bus ay umupo kame sa pinakalikod ng bus, ako sa may bintana, si Van sa gitna naming dalawa ni Erick. Tinext ko si Erick at tinanong ko kung trip niya ba si Van. Sumagot naman siya ng ayos lang. Kinakausap ko ng mahina si Van at sinasabi ko kung gusto ba niya si Erick. Ginagamit namen ang cellphone ko para magusap. Nagtetext ako dun at sumasagot naman siya. Sinabi niya na ayos daw sa kanya si Erick dahil mabait naman siya. Sinabi ko na nagseselos ako ngunit sumagot naman siya na wag daw akong magselos dahil trip lang daw iyon at ako naman ang boyfriend niya at mahal niya ko. Kahit papaano ay napanatag ang kalooban ko at inantay na lang namen na makarating kame ng monumento. Pagdating namen sa monumento ay bumili kame ng pagkain sa siyang sinagot ni Erick ang gastos dahil ako naman ang sasagot sa room na irerent namen. Nagkaroon pa kami ng problema sa pagpasok sa motel dahil tatlo kaming lalake pero nilaksan ko na lang ang loob ko at pumasok kaming tatlo ng sabay. Nagkaroon pa ng problema dahil hindi tumatanggap ng tatlong lalake ang motel na pinasukan namen kaya dalawang room ang sinagot ko, naging doble ang bayad sa inaasahan kong budget. Pagkaakyat namen ay sa isang kwarto lang muna kame pumasok at sinabi nila na ang laki ng gastos ko. Sabi ko ay okey lang naman at pinatay ko ang ilaw at hinila si Van sa kama at naghalikan kami. Miss na miss ko si Van nun at gusto ko na bago masimulan ang "laro" na gagawin namen ay ako muna ang unang humalik sa kanya at ako din ang unang halikan niya. Pagkatapos nun ay hinanap ko si Erick at hinalikan ko din siya dahil ayoko naman na mahalata niya ang relasyon namen ni Van. Binuksan ni Van ang ilaw at nakita niya ang ginagawa namen ni Erick kaya itinigil ko. Sinabi ko naman kay Van na sila namang dalawa at ginawa nga nila. Nung makita ko sila ay parang nasaktan ako sa mga nangyayari. Ang makita mo ang taong mahal na mahal mo na may kahalikang ibang lalake, kahit na sabihin mong trip lang iyon ay medyo mabigat sa pakiramdam. Pero tulad ng sinabi ni Van sa akin kanina ay trip lamang iyon at ako ang mahal niya kaya iyon ang itinatak ko sa isip ko. Pagkatapos nila ay nagtanggal na kame ng aming mga damit at nagpunta si Erick sa banyo para maligo. Sinamantala namen ni Van ang oras para solohin ang isa't isa. Pumatong siya sa akin at nagsimula uli kaming maghalikan at habang ginagawa namen to ay nagbukas na pala ang CR ng banyo at nakita ang aming ginagawa. Bigla tuloy siyang nagtanong,

E: Magsyota kayo nu?
Nagkatinginan kame ni Van at tumawa lang.
C: Hindi ah, pano mo naman nasabi yan pre?
E: Kasi pansin ko, ibang iba yung paghahalikan niyo, parang may halong pagmamahal.
C: Kung ano ano iniisip mo, tara kumain na nga lang muna tayo.
V: Ou nga, bihis muna tayo tapos kain.

Nagulat ako sa sinabi ni Erick, mapapansin ba yun sa dalawang tao kung mahal nila ang isa't isa? Kumain na muna kami ng mga binili naming pagkain. Pagkatapos ay maliligo sana ako sa banyo ngunit nakita naming barado ang lababo nito kaya sinabi ko na lumipat na kami sa isa pang kwarto na binayaran namen. Pumayag naman sila at ganun na nga ang aming ginawa. Pagkalipat sa isang kwarto ay niyaya ko si Van na maligo na din kasabay ko bago pa man umpisahan ang lahat lahat. Habang naliligo kami ay kung anu anu na ang ginawa namen ni Van sa loob ng banyo para masolo namen ang isa't isa. Kumatok na si Eric sa banyo dahil napansin niya sigurong sobrang tagal na namin duon. Pumasok na siya sa loob ng banyo at sinimulan ang aming kalokohan. Pinaluhod ko si Eric sa harapan ko at sinabi niyang pati si Van ay lumuhod din. Unang isinubo ni Van ang alaga ko habang tinitignan iyon ni Eric. Matapos ni Van ay si Eric naman ang gumawa. Sinabi ko na tatapusin muna namen ang pagligo at pumayag naman si Eric at sinabing aantayin na lang kame sa labas ng banyo. Isinara muli namen ang kwarto at nagbubulungan kame ni Van. Sinabi ko na hindi pa din naaalis sa isip ko ang selos. Hinalikan ako ni Van para matigil ang aking pagtatanong sa kanya at nagsimula doon ang pagpaparaos naming dalawa sa loob ng banyo. Pagkatapos naming labasan ay pinaliguan ko siya para makapagpatuyo na at masamahan si Eric dahil baka makahalata na. Paglabas ng banyo ni Van ay nakahubad si Eric sa kama na nakahiga. Tumabi naman si Van sa kanya at pumatong ito. Naghahalikan silang magkapatong. Nung una ay halos magselos pa din ako pero inisip ko na libog lang talaga ito. Nagjakol pa ako habang tinitignan ang paggalaw ni Van sa ibabaw ni Eric. Nilabasan ako sa pangalawang pagkakataon. Nagpatuyo na din ako ng katawan at humiga sa tabi nila. Ako sa kanan, si Van sa gitna at si Eric sa kaliwa. Sinabi ni Van na kaya niya lang din ginagawa iyon ay dahil nahihiya siya kay Eric, dahil ayaw niyang isipin ni Eric na ginagamit namin siya. Nanood kami sandali ng TV at napapikit ako at napaidlip.

Paggising ko ay nararamdaman kong gumagalaw silang dalawa sa likod ko. Nagpanggap akong tulog ngunit alam ni Van na gising ako. Umupo siya sa dibdib ko at ipinasubo niya ang alaga niya sa akin na walang pagtanggi ko naman ginawa. Nagloloko pa sila na binabanggit palagi ang "para sa 1000" dahil yung ang binayaran ko sa mga kwarto na nirentahan namen. Sa tuwing hahalikan ako ni Eric ay hindi ako mapalagay at ibinababa ko ang ulo niya sa alaga ko. Ngunit pag si Van naman ay gustong gusto kong magtagal pa ang aming paghahalikan. Kung anu ano pa ang ginawa namen. Sinubukan din naming paligayahin si Eric ngunit hindi ko ito magawa dahil hindi pa din ako palagay, at isa pa, wala masyadong libog sa katawan si Eric dahil pagod siya ng araw na iyon. Pagkatapos ng paglalaro naming iyon ay nanood kami sandali ng TV muli at nagkukwentuhan.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakagawa ako ng dahilan para palipatin si Eric sa kabilang kwarto at idinahilan ko ang pagchecheck ng mga kwarto ng mga bellboy tuwing alas 5 ng umaga para magbigay ng libreng almusal. Pumayag naman siya at sinabi kong magtext text na lang at babalik din naman siya dito mamaya pag nakabigay na ng pagkain ang bellboy. Pabiro pang sinabi ni Van na "wala bang goodbye kiss?", nagulat ako dito na kahit sa biro lamang na iyon ay nasaktan na ako kahit papaano.

Pagkaalis ni Eric sa aming kwarto ay humiga kami ni Van sa kama. Tila parang tumahimik siya at nawalan ng gana. Niyayakap ko siya ngunit tumatalikod siya sa akin. Sinubukan kong yayain siya para sa isang panibagong round pero parang wala siyang gana. Nagsimula doon ang aming paguusap.

C: Bunso, may problema ba?
V: Wala kuya, pagod lang ako.
C: Pagod ka? Pero kanina ang lakas lakas mo.
V: Hindi ko alam kuya, napakaseloso mo. Mahahalata kasi tayo niyan. Nakakahiya kay Eric.
C: Ano bang problema eh sa talagang nagseselos ako. Ayoko lang na nakikipaghalikan ka ng sobrang tagal.
V: Eh di sana hindi na naten naplano to.
C: Oo nga eh, mukhang mali lahat ng ito. Aminin mo sakin Van, mahal mo pa ba ko?
V: Anu ba namang klaseng tanong yan?
C: Sagutin mo lang ng oo o hindi.

Hindi sumagot si Van. Parang nadurog ang puso ko sa kanyang pagtahimik.

C: Gusto mo na bang makipagbreak saken bunso?
V: Hindi ko alam kuya, sorry.

Sa kanyang pagsagot na ito ay tumayo ako sa kama at nagsimulang kuhanin ang damit.

V: San ka pupunta?
C: Uuwe na, eto naman ang gusto mo diba?
V: Kuya, anong oras na, delikado na pauwe.
C: Ayos lang, sana maaksidente na ko sa daan. Iiwan mo na ko diba. Wala ng kwenta to.

Hindi ko pinapahalata ang malapit ko ng pagluha at nagpapanggap ako na galit habang nagbibihis. Nang malapit ko ng isuot ang aking t-shirt ay niyakap ako ni Van na umiiyak. Akala ko ay magsosorry siya sa kanyang sinabi ngunit mas nasaktan pa ko sa kanyang mga nawika.

"Kuya, wag ka nang umalis, kahit sa HULING GABI na ito samahan mo ko please."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapaiyak ng tuluyan at hinarap ko si Van.

C: Gusto kong malinawan ka, gagawin ko to para maisip mo kung anong talaga ang para sa iyo. Alam mong doble ang sakit sa akin ng aking gagawin pero kailangan kong gawin ito para sayo. Mahal na mahal kita bunso. Andito lang ako, aantayin kita dahil mahal kita.

Lumuluha lang si Van habang pinakikinggan ang mga sinasabi ko. Tinext ko si Eric na pumunta sa kwarto namen at dalhin ang susi ng isang kwarto dahil kailangan ko ng umuwe at may emergency.

C: Wag ka ng umiyak, baka mahalata ni Eric, papunta na siya dito.

Halos hindi ko mapigilang umiyak talaga ng sobra dahil sa sakit. Halos wala ng dalawang linggo bago sumapit ang aming 3rd monthsary ni Van at ito ang nangyari. Nang dahil sa isang maling desisyon ay nagkaganito ang lahat. Hindi ko maisip sa sarili ko na nagawa ko ito. Na ako ang may kasalanan ng lahat kung bakit naging ganito ang mga nangyayari ngayon. Bago pa dumating si Eric sa kwarto ay niyakap ko ng mahigpit na mahigpit si Van at hinalikan sa labi ng may buong pagmamahal. Pinatahan ko si Van at pati ako ay pinunasan ang mga luha namen at kumatok na sa pintuan si Eric.

E: Anong nangyari?
C: May emergency lang pare, kailangan ko ng umalis, dito ka na at isosoli ko na lang yung isang susi ng kwarto. Samahan mo na lang dito si Van.
E: Okay sige, ayos lang ba ang lahat?

Tumango si Van at nagpaalam na din ako sa kanilang dalawa matapos iabot ang susi sa akin ni Eric. Bago pa man magsara ang pintuan ng kwarto nila ay pinagmamasdan ko ang pinakamamahal kong tao na hindi ko alam kung magiging maayos pa ang lahat sa amin o hindi. Habang pababa ako ng elevator ay iniisip ko kung ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa ngayong iniwanan ko silang dalawa sa iisang kwarto. Pagdating ko sa lobby ay isinauli ko ang susi sa receptionist at tuluyan ng lumabas ng hotel. Bago ko makasakay ng bus papauwi ay parang nakatulala akong maglakad. Nang malapit na akong sumakay ay tinext ko si Eric, "Pare, oo boyfriend ako ni Van, sorry kung niloko ka namen, pero sana bantayan mo muna siya ngayon, umuwi ako dahil kailangan ko syang bigyan ng panahon para makapgisip, mahal na mahal ko si Van tol, hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala siya. Wag mo siyang iiwan ngayong gabi, salamat."

Pagkasakay ko ng bus at tinext ko din si Van.

"Bunso, mahal na mahal kita kaya ko ginagawa to. Ayoko ng mahirapan ka kaya binibigyan na kita ng panahon para makapagisip. Sana sa isang linggong hindi tayo magkikita ay maging malinaw sayo ang lahat lahat. Aantayin kita. I love you so much bunso."

Pagkasaend ko ng text kay Van ay hindi ko na napigilan na umiyak sa loob ng bus habang iniisip ko ang mga susunod na maaari pang mangyari.

Itutuloy..
*********************************************************************************************
Author's Note

Sorry antagal po ng update.. Kailan kaya ako magiging masaya at OK? Maging ako hindi ko na din kilala ang sarili ko. Kung anu-ano na ang kalokohan na nagagawa ko ngayong buwan na ito.. Isa na yata itong chapter na ito sa pinakamahirap na ikwento. Andami kong hesitations kung kaya ko pa bang ituloy ang pagkukwento dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa tuwing inaalala ko ang mga pangyayari. Ngunit may mga readers na nagsabe na nabibigyan ko daw sila ng aral sa pagkukwento ko kaya sa abot ng aking makakaya ay tatapusin ko ang kwento kong ito.

Malapit na pala ang new year, andaming nakakapansin na hindi na ko gaanong tumatawa o masigla tulad ng dati. Kahit sa trabaho ay tinatamad na akong gumalaw, parati na din akong nagpapalipas ng gutom. Hindi ko naman isinisisi sa kung kanino man kung bakit ako nagkakaganito. Pero paminsan minsan ay hinihiling ko na pagtulog ko ay sana hindi na lang ako magising. Na sa isang iglap lang mawawala na ang lahat ng sakit. Oo alam ko na mas mabuti na maging "better person", pero sa lahat ng napagdaanan ko, gusto ko lang pong tanungin, masisisi niyo ba ako kung bakit ako nagkakaganito?

Muli, salamat pa din po sa inyong patuloy na pagsuporta at pagsubaybay sa kwento ko. Alam kong hindi ito karaniwan na mababasa niyo sa PMS na puro sex lang. Pero ninais ko talagang ibahagi sa inyo dahil kahit papaano ay alam kong kapupulutan ng aral ang mga sinulat ko. Thanks po ule and keep following..

-Cedie-
*********************************************************************************************

Linggo, Disyembre 25, 2011

XXXIV. Author's Message (2nd Commercial and Fast Forward)

December 25, 2011

Hi guys,

Hindi po ako makakapagpost ngayong araw na ito ng isang panibagong chapter kaya mag share na lang muna ko ng mga nangyayari sa akin kasalakuyan tutal halos malapit na ding umabot sa present time ang kwento ko.

Unang una ay gusto ko po kayong batiin lahat ng Merry Christmas. Sana po ay maging masaya ang Pasko niyo kasama ang mga taong mahalaga sa inyong buhay - pamilya, mga iba pang kamaganak at mga kaibigan. Para sa akin po, ang Pasko ngayon ay pinaghalong lungkot at saya.

Mag iisang buwan na kaming hindi nagkikita ni Van. Hindi ko alam kung naaalala niya pa ba ako o talagang kinalimutan niya ako. Tinext ko siya ng eksaktong 12 am ng araw ng Pasko para batiin siya ng Merry Christmas at namimiss ko na siya at sana hindi niya ko nakakalimutan. Ang tanging reply lang na natanggap ko is "merry christmas din. tc."

Sadyang kay lungkot lang talaga siguro ng mga pangyayari at hindi mo inaasahan na sa ganito magtatapos ang istorya namen ni Van. Hindi ko din alam kung may kadugtong pa ba ang istorya namen ni Van. Kung magiging magkaibigan ba kame uli o talagang magmimistulang isang taong sadyang dumaan lamang sa buhay ko para magbigay ng iba't ibang alaala. Kahit papaano naman ay masaya pa din ako dahil kumpleto pa din ang pamilya ko ngayong Pasko. Habang nagsisimba kame at nang tumugtog ang Ama Namin ay hindi ko napigilang mapaluha sa mga nangyari. Sa lahat kasi ng mga nangyari sa amin ni Van ay hindi namen nagawa na magsimba ng magkasama kahit isang beses man lang. Yung tipong nakaupo lang kami, magkatabi habang nakikinig ng misa at pag nagsimula na ang Ama Namin ay maghahawak kame ng kamay ng walang halong malisya sa tingin ng ibang tao. Habang kumakanta ay hindi ko nga napigilang may tumulong luha sa aking mga pisngi ngunit naitago ko naman ang mukha ko sa Mama ko at wala namang nakakita sa akin. Pilit kong sinusubukang maging okay ako sa paningin ng mga magulang ko kahit alam ko naman sa sarili ko na sadyang may kulang.

Sabi nila, ang Pasko daw ay ang pagbibigay ng pagmamahal sa lahat ng taong mahalaga sa iyo. Ngayong Pasko ay marami akong binigyan ng regalo, andiyan ang pamangkin ko, ang mga pinsan ko, mga kapatid ko at mga magulang ko. Masaya ako na nakikita ko sa mga mukha nila ang ngiti at saya na dulot ng simpleng gawain kong ito. Wala akong natanggap kahit na isang regalo kahit sa mga magulang ko pero ayos lang naman sakin dahil "It's the spirit of giving" naman talaga diba.

Minsan naisip ko din, bakit kaya isa ako sa mga tao na naging ganito. Hindi mo alam kung kanino ka tatakbo sa lahat ng nangyayari. Malungkot, masakit at talagang hindi maipaliwanag ang bigat sa kalooban ng mga nangyayari sa akin ngayon dahil wala naman ako talagang malapitan o makausap ng personal sa mga hinanakit ko. Ang tanging hiling ko lang sana ngayong Pasko ay maging masaya, ngunit sabi nila, hindi naman lahat ng hiling natin ay natutupad. Sa maniwala man kayo o sa hindi ay umiiyak ako ngayon habang sinusulat ang mga ito. Tanging sa ganito ko na lamang kasi naihahayag ang mga saloobin ko sa lahat ng nangyayari sa akin kaya sa tuwing may oras ay sinusubukan kong mag let out ng feelings sa blog.

Sa mga taong katulad ko na may minamahal, wag niyong hayaan na magkaroon kayo ng problema ng taong mahalaga sa inyo. Habang maaga ay ayusin niyo palagi ang mga simpleng tampuhan o mga away niyo dahil hindi niyo masasabi kung hanggang kelan niyo pwedeng makasama ang lahat ng mga taong mahalaga sa inyo. Samantalahin niyo ang oras na maging masaya sa piling ng isa't isa dahil hindi naten masasabi kung hanggang kelan ba talaga kayo magkakasama. Sa totoo lang nagkaron ako ng tampo sa Diyos eh. Bakit niya kailangan na ibigay sa akin ang mga taong mamahalin ko ng buo tapos bigla naman niyang babawiin o aalisin sa akin. Sinasabi nila na isa itong pagsubok, pero sa mga nangyayari sa akin ay hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba. Minsan nga nagdasal na lang ako na sana kuhanin na lang niya ko isang araw, na sana pagkatulog ko ay hindi na ako muling magising pa. Alam kong kasalanan yun pero iyon ang nararamdaman ko sa bawat araw na pinipilit kong maging ok.

Ang huling bilin niya sakin nun, "Kuya pakatatag ka kahit wala na ako ha, mahalaga ka pa din naman saken eh." Hindi ko alam kung ano bang iisipin ko, sa mga ginagawa niya ngayon ay hindi ko na maramdaman kung may halaga pa ba sa kanya lahat ng pinagsamahan namen. Oo alam ko na gusto niyang bumalik na sa dati kaya ko siya pinakawalan. Mali ba ang ginawa ko? Na pinatunayan ko na mahal na mahal ko siya sa pamamagitan ng pagpapalaya ko sa kanya? Na dahil sa sarili kong gawain ay ako naman ang nagdurusa ngayon? Sana isang araw malinawan din siya na wala naman akong tanging hangad kundi maging masaya talaga siya at hindi mapahamak.

Van, alam mo kung sino ka. Kung nababasa mo man ito, gusto kong malaman mo na miss na miss na kita. Yung mga tawanan naten, mga kulitan at kahit mga tampuhan at away naten naaalala ko. Wala na kong matawag na bunso, wala na kong napagsasabihan. Ang sakit nung sinabi mo saken na, "Wag mo na kong bantayan, kaya ko na sarili ko!" Hindi ko alam kung may puwang pa ba sa puso mo na bumalik bilang kaibigan ko. Hanggang ngayon ay nandito pa din ako naghihintay na bumalik siya at maging okay sa amin ang lahat. Sabi nila lahat ng tao nagbabago, hindi mo masasabi kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isip nila, pero sana kahit papaano ay sundin niya ang puso niya, kung sinasabi ng puso niya na kalimutan na talaga ko, wala na siguro akong magagawa kundi tanggapin ito. Hindi ko lang alam kung papaano ko tatanggapin ang lahat ng nangyari.

Ang tanging hangad ko lang naman talaga ay ang maging masaya sa buhay. Ang gumising tuwing umaga ng nakangiti at masigla. Sana hindi na dumating yung panahon na bumalik ako sa dati na naghahanap ng pagmamahal kung kani kanino sa pamamagitan ng pakikipagmeet up at gagawa ng kung anong kamunduhan. Sana isang araw maging okay ang lahat. Mahirap man, ngunit umaasa pa din ako sa isang masayang ending.

Sa inyong lahat na readers, salamat sa patuloy na pagbabasa ng blog ko, sana kahit papano ay may mga natutunan kayo at sana nagenjoy din kayo sa pagbabasa. Medyo malapit ko ng matapos yung istorya ngayong taon na ito. Abangan niyo po kung ano ang mga nangyari kung bakit humantong ang lahat sa ganito. Itutuloy ko na po uli sa susunod na mga chapters ang kwento ko.

Maraming salamat po at Merry Christmas sa inyong lahat.

Cedie..

Biyernes, Disyembre 23, 2011

XXXIII. Away-Bati

Pagkatapos ng aking kaarawan ay nagkausap naman muli kami ni Van sa facebook noong August 2, 2011. Mga simpleng paglalambing lamang ang napagusapan namen.

V: Kuya, maganda ba yung DP ko?
C: Ou, may cellphone pang kasama tapos pacute ka naman masyado.
V: Miss na kasi kita kuya.
C: Miss na din kita bunso.
V: Magpalit ako ng DP, ikaw pumili kung ano, teka send ko sayo ha.
C: Ok sige tapos ikaw pili mo din ako.
V: Sige palit tayo ng account.

Nagpalitan kame ng account sa facebook at tumingin ng mga profile pictures na ilalagay namen sa profile namen. Paglogin ko sa kanyang account ay nakita ko ang daan daan niyang mga pictures at lalo kong natuwa sa kanya. Madami siyang picture na ang kyut kyut ng mga kuha niya at nakapili ako ng isang Display picture kung saan may gitara siyang dala dala. Pagkatapos nun ay naglog out na din kaming dalawa at bumalik sa kanya kanyang account.

V: Ay kuya bakit ito? Tagal na nitong DP kong to eh.
C: Ganun ba? Palitan mo na lang uli, I love you bunso.
V: I love you din kuya. XD
C: Mwa.
V: Delete mo agad tong usapan naten ah.
C: Wala namang makakabasa nito.
V: Kuya gutom na ko.
C: Ako na lang kainin mo bunso. XD
V: Eh hindi naman nauubos yan eh. haha
C: Sige out na tayo tapos text na lang tayo mamaya.
V: Ok kuya, hug
C: i love you mahal ko.
V: Sige kuya, mwa.

Pagkalogout ni Van ay tinignan ko ule ang mga profile pictures niya. Bago pa man ako magout ay may nareceive akong text sa aking cellphone at pinatay ko na ang aking laptop sa pagaakalang si Van na ang nagtext.

"Buds, kamusta ka na? Tagal na nateng hindi nagkikita." Si Aaron pala ang nagtext. Ilang buwan na kameng hindi nagkakausap at nagkita mula pa nung February kaya nagtaka ako bakit bigla siyang nangamusta. "Okay lang naman ako, buds may bf na ko eh." "Ah talaga, pero buds pa din naman kita diba?", sagot naman niya. "Oo buds pa din kita pero pwede bang wala ng mangyari satin? Ayokong lokohin ang boyfriend ko. Mahal na mahal ko siya buds.", reply ko naman sa kanya. "Ok buds, miss lang kita kaya ko nagtext, tagal na naten di nagkikita", sagot ni Aaron. "Ou buds, sorry ha pero ingat ka na lang palagi, papakilala ko siya sayo minsan pag naikwento na kita", sagot ko naman. "Ok buds mwah", reply naman niya. Pagtapos nun ay natanggap ko na ang text ni Van at hindi ko na muna sinabi kay Van ang tungkol kay Aaron. Sa loob loob ko ay sasabihin ko ito sa kanya sa tamang panahon.

Makalipas ang ilang araw ay nagkita muli kame ni Van. Tulad ng dati ay magkasama kame ng Friday ng gabi hanggang Saturday ng umaga. Nakaugalian na namen na laging nagkikita tuwing weekend dahil namimiss namen ang isa't isa. Sa tuwing nagtatrabaho ako, I always look forward to the coming weekend dahil alam ko na magkikita muli kami ng taong mahal ko. Nagkaroon ako ng mga kaibigan sa trabaho at kahit papaano naman ay nagkakasundo sundo kame dahil halos magkakasingedad lang kaming lahat. Nagkaroon pa ng isang pagkakataon na ipinakilala ko si Van bilang aking pinsan sa isa kong kaibigan sa trabaho. Biniro pa ako ng aking katabaho na boyfriend ko daw talaga yun at hindi ko pinsan ngunit hindi ko naman pinansin iyon. Ang mahalaga ay masaya kame ni Van ngayon sa tuwing magkasama kame at mahal namen ang isa't isa.

Minsan ay nagkaron ng oras kung saan nagonline ako sa facebook account niya at may nabasa akong usapan ni Van at ng isang friend niya sa FB. Nabasa ko na sweet sila sa isa't isa at nabasa ko din na sinabi ni Van dito na miss na niya ito. Para akong sinapak sa mukha ng mabasa ko ito. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na iyon kaya tinignan ko pa ng mabuti ang ibang mga nakausap niya. Pawang puro mga bi din pala ang friends niya sa Fb. Kung sino sino na lang yata ang inaaccept niya na mga kaibigan doon kaya kung sino sino na lang ang mga nagmemessage sa kanya. Nang magkausap kame sa text ay sinabi naman niya na madame na siyang friends na bi mula nang bago ko pa siya makilala. Bigla na lang siyang nagreply, "Ngayong kilala mo na ko, ano magagawa mo?" Nagulat ako sa mga text na iyon ni Van. Ngunit sinabi ko sa kanya, "Kahit ano o sino ka pa dati, mahal kita kaya tatanggapin pa din kita Van." Napanatag ang loob ko ng nagpasalamat siya sa akin at nang sinabi niyang lilinisin na niya ang account niya at magbubura siya ng ibang mga friends sa kanyang account. Matapos ng ilang araw ay napansin ko ngang nagbura siya ng mga friends dun. Nang magkita kame muli ni Van ay naikwento niya sa akin ang ibang manliligaw niya dati. Na nagkaroon na siya ng BF online ngunit nagbreak din agad sila dahil natakot siya. May mga naging kaibigan din siya na bi at hanggang katext lang naman at kausap niya ang mga ito kapag wala siyang ginagawa. Naintindihan ko naman yung mga ganun at naikwento ko na din sa kanya ang ibang mga nangyari sa akin. Isa na dun si Aaron. Biglang may pumasok sa isip niya na medyo nagulat lang din ako. "Kuya, ano kaya kung itry naten yung threesome?" Nagulat talaga ako sa mga nasabi niya at dahil sa curiosity ay pumasok sa usapan namen ang maghanap nang prospect at isasama namen sa susunod na overnight namen. Hindi ko alam sa mga panahon na iyon kung tama ba ang ginawa ko. Ang hindi ko alam ay magkakaroon ito ng isang masamang resulta pagdating sa hinaharap.

Nagkaroon ng isang gabi na magkatext kame na muntik nang mauwe sa hiwalayan. Nagsimula iyon sa pilit kong pangungulit sa kanya na burahin ang isang friend niya sa FB na nameet ko din at nagkachat sila.

C: Bakit di mo sinabi saken na inadd mo siya bilang friend?
V: Kasi alam ko na magagalit ka.
C: Eh ngayon ano tingin mo sa nararamdaman ko?
V: Kaya ayokong ibigay ang password ko eh.
C: Ano bang gusto mong mangyari?
V: Hindi ko alam.
C: Burahin mo na siya please. Nagseselos na ko sa kanya.
V: Wala naman siyang ginagawang masama ah.
C: Okay sige ikaw bahala.
V: Kuya, mag break na muna tayo. Nalilito na ko.
C: Yan ba talaga gusto mo? Okay sige. Magbreak na tayo.
V: Kuya, ganun pa din naman tayo tulad ng dati.
C: Hindi, maraming maraming mag iiba, ganito na lang, wag mo kong itetext ng isang buwan. Kung hindi ka na magtetext kakalimutan na kita. Ayoko ng ginagawa mo sinasaktan mo lang ako Van.
V: Sorry kuya, di ko na alam gagawin ko.
C: Mula ngayon magpanggap na lang tayo na hindi tayo nagkakilala. Paalam bunso.
V: Kuya, wag na tayong magbreak, ang sikip sa dibdib. Nahihirapan ako. Di ko alam gagawin ko pag nawala ka.

Nang mabasa ko ang huling text na iyon ni Van ay napaluha ako ng lalo. Napakahirap isipin kapag nawala siya sa buhay ko dahil siya ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng liwanag ang aking daan kaya masakit sa akin kung matutuluyan na hindi kame maguusap.

C: Tignan mo to, ako din. Mahal na mahal kita kaya ayaw kitang mawala.
V: Salamat kuya ha.
C: Saan naman?
V: Sa pagmamahal mo, kasi ramdam ko talaga na mahal na mahal mo ko.
C: Wala iyon bunso. Mahal naman kasi talaga kita.

Natapos ang usapan namen at nagkaayos uli kame. Parang roller coaster ang mga nangyari sa amin dahil matapos na naman ang ilang linggo ay nagkaroon na naman kame ng away hanggang sa nagsabi siya na wag muna kameng magusap at gusto niyang makapagisip.

Habang dumadaan ang bawat araw ay napansin na ng mga kasama ko sa trabaho ang pagiging malungkutin ko. Ngunit dinedeny ko naman palagi sa tuwing magtatanong sila kung may problema ba ako. Palagi kong sinasabi na ayos lang naman ako at kulang lang sa tulog kaya nanghihina.

Pagkalipas ng halos isang linggo ay anong tuwa ko ng matanggap ko ang text ni Van.

"Kuya, nakapagisip isip ako, sorry kung nalungkot ka ah, pero mahal pa rin kita."

Halos mapatalon ako sa saya nang mabasa ko ang text niyang iyon.

"Salamat bunso, salamat sa desisyon mo na hindi ako iwan, malapit pa naman na ang monthsary naten akala ko hindi na tayo aabutin ng 2nd monthsary naten.", sagot ko sa kanya.

"Gusto ko nga sana makipagkita sayo ngayon kuya kaso may pasok ka pa bukas, sa weekend na lang po kita tayo."

"Ok po mahal ko. Salamat uli."

"Miss na kita kuya. Hug. Yngat ka po paguwe mo ha."

Nagbalik ang dati kong sigla nang dahil kay Van. Sa isang ganun lamang ay naging ok na uli ako at masaya akong umuwe sa aming bahay.

Lumampas na ang monthsary namen at dumating ang buwan ng September. September 2 nang muli kaming magkita at halatang miss na miss namen ang isat isa. Sa bus pa lang ay magkaholding hands na kame at umupo talaga kame sa likod kung saan walang nakakakita. Nalimutan namen na pareho nga pala kaming lalaki at nakakahiya pag may makakakita sa amin ngunit parang wala sa isip namen yun hanggang sa may mga sumakay sa tabi namen. Pagbaba ng mga tao sa bandang likuran ng bus ay kaming dalawa na naman ang natira at sa sobrang hindi na kami makapagpigil ay hinamon ko siya na hahalikan ko siya kapag walang nakatingin. Pumayag naman si Van at nang dumaan na ang bus sa may bandang tunnel ay hinalikan ko talaga siya at hindi naman siya pumalag sa aking ginawa. "I love you", pabulong kong sinabi sa kanya at hinalikan naman niya ako ng nagkaron muli ng pagkakataon na walang nakatingin. Pabiro naman niyang sinabi na may hidden camera ang bus kaya nagtawanan na lamang kami sa aming ginawa.

Pagdating namen sa Monumento ay nagcheck in kame sa isang mahal na hotel dahil natakot na kame sa dating pension house na pinupuntahan namen dahil nagiging regular customers na kame. Pagpasok namen sa hotel ay mabilis na nagbayad ako sa counter at umakyat agad kame sa kwarto pagkabigay sa akin ng susi. Tulad ng dati ay nangyari ang mga nangyari at masaya kaming magkasama lamang nung gabing iyon. Masaya ako dahil naging ok kami at hindi naghiwalay. Napagusapan namen kung papaano niya narealize na mahal pa niya ako at naikwento na nga niya sa akin.

"Sabi ko sa sarili ko, kailangan ko ng sign na mahal pa talaga kita, ang una is yung pag nagtext ka saken, pero alam ko naman na magtetext ka talaga kaya hindi yun yung ginawa kong sign. Ang sabi ko na lang ay pag pumasok ako sa araw na iyon at pag narinig ko yung theme song naten. Tapos pagpasok ko, pinatugtog nung bestfriend ko yung kanta, tapos narinig ko pa sa school pati sa jeep.", nakangiting kwento sa akin ni Van. Natuwa lang ako at napangiti sa mga kwento niya at niyakap ko lang siya ng mahigpit na mahigpit.

C: Bunso, wag mo kong iiwan ah. Hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala ka sakin.
V: Mahal naman kita kuya, wag ka na mag alala promise hindi na kita iiwan kasi mahal mo ko.

Niyakap din ako ni Van at hinalikan sa labi. May luhang pumatak sa aking pisngi dahil sa pagaalala kung mawala sa akin si Van. Mahal na mahal ko siya at hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang mawalan ng isang taong pinahahalagahan ko ng buong puso. Napagusapan namen ni Van ang mga pangarap namen sa hinaharap at ang iba pang mga bagay bagay. Minsan ay hiniling din namen na sana isa sa amin ay naging babae na lang para hindi kame nahihirapan ng ganito sa aming relasyon. Para sa akin naman ay handa kong harapin ang lahat ng magiging problema basta kasama ko lang siya sa aking tabi. Siya ang taong nagpapalakas ng loob ko na harapin ang lahat ng bagay. Natulog kame nang gabing iyon ng magkayakap matapos ang isang mahabang paguusap.

Hindi ko alam na pagkatapos ng pagkikita sa gabing iyon ay napakadaming mga pangyayari na hindi ko inaasahan.

Itutuloy..

*********************************************************************************************
Author's Note

Hi sa lahat,

2 days na lang at malapit na ang kaarawan ni Jesus. Sana lahat kayo ay masaya ang Pasko. Mula nang mangyari ang lahat ng ito sa akin ay hindi ko na alam kung kailan muli ako magiging masaya. Sinusubukan kong maging masaya ngunit sa bawat pagdaan ng mga araw ay lalo lang akong nalulungkot at lalo kong umaasa na may bumalik sa buhay ko bilang kaibigan. Hindi ko alam kung nababasa niya tong blog ko pero kahit hindi niya to nababasa, sana kahit papano naiisip niya ko paminsan minsan. Naaalala pa niya kaya ako? Sana di niya kinakalimutan ang lahat ng masayang alaala nung magkasama pa kame. Sana kayong lahat ng nagbabasa ay masaya ngayong Pasko. Continue niyo po na follow to, by the end of this year tapos na din po siguro tong kwento ko at sana maging inspirasyon sa lahat ito kahit papano. Masarap ang magmahal at ang mga masasayang alaala na pwedeng iwan sa iyo nito.

Kung nababasa mo man ito, miss na miss na kita. Walang araw na hindi kita naiisip. Sana ngayong pasko, maaalala mo din ako.

Thanks po sa lahat. Advanced Merry Christmas.
*********************************************************************************************

Lunes, Disyembre 19, 2011

XXXII. A Treasured Day and An Unexpected Gift

July 29, 2011

Isang araw matapos ang aming monthsary at dalawang araw bago sumapit ang birthday ko. Nagkita kame ni Van pagkatapos ng trabaho ko upang i-celebrate ang mga ito. Medyo pagod ako ng araw na iyon ngunit nang magkita kame ni bunso ay parang napawi agad iyon. Alam kong isa si bunso sa nagpapasaya sakin at isa din siya sa dahilan kung bakit ako masigla ngayon. Tulad ng dati, late na naman siyang dumating pero ngayon ay 15 minutes lang naman kaya hindi ako masyadong nag antay ng matagal. Pagdating ni Van sa Alphaland ay nagwithdraw muna ko dahil iyon ang pinakauna kong sweldo na matatanggap mula nang magsimula akong magtrabaho. Napatalon ako sa tuwa sa laki ng sweldo ko at natawa lang si Van sa akin dahil para akong bata. "Anong gusto mong pagkain? Sagot ko bunso.", nakangisi kong sabi sa kanya. "Ikaw na bahala, ikaw naman may sagot eh.", nakangiti naman niyang sagot. Umalis na lamang kame sa lugar na iyon dahil malayu-layo pa ang pupuntahan namen. Doon pa din kame sa dati naming pinuntahan dahil pakiramdam namen ay talagang safe doon at walang nakakakilala sa amin. Habang nasa biyahe ay tulad pa din kame ng dati. Alam kong masaya siya na nakita niya uli at at ganun din naman ako. Pagdating namen sa lugar na kung saan andun ang pension house ay tulad din ng dati, bumili kame ng pagkain sa isang fastfood malapit dun at tsaka kami dumiretso na mag check in. Bago pa man kame tumuloy dun ay naitanong ko sa kanya kagabi kung pineapple juice ba talaga ang iniinom niya mula nung nagusap kame ngunit sinabi niya na hindi at natawa lang ako. "Ako kasi puro PJs ung free drinks namen kaya yun ang iniinom ko. Andaya mo talaga bunso." Tumawa lamang siya at sinabi na excited na siya para sa mangyayari kinabukasan.

Pagkapasok na pagkapasok namen sa loob ng kwarto ay ibinaba lang namen ang lahat ng aming gamit at ang mga pagkain at bigla akong sinunggaban ng halik ni Van. Nagulat ako sa mga nangyari dahil agresibo ngayon si Van at siya ang nauna sa paggawa ng first move. Itinulak niya ako sa kama at tinanggal ang aking pantalon at habang hinahalikan niya ako ay ibinaba na din niya ang aking boxers at briefs. Nang makawala na ang aking alagang tigas na tigas na ay agad bumaba sa kama si Van at walang pakundangan na sinubo niya ito. Wala akong nagawa kung mapaungol sa sarap sa ginagawa ng mahal ko. "Ahh Van, bakit ganyan ka ngayon?", namimilipit sa sarap kong sinabi sa kanya. Napatigil siya sa kanyang ginagawa at nagtanggal na din siya ng damit. Nagtanggal na din siya niya ng pantalon at nagbalik kaming dalawa sa mainit naming paghahalikan. Matapos nun ay pumatong na siya ng pabaligtad sa akin at natapat na ang mukha niya sa aking alaga at maging ang alaga niya ay nakatapat na din sa aking mukha. Nagsimula uli siyang isubo ang alaga ko at ibinaba na din niya ang ibabang parte ng kanyang katawan sa aking mukha kaya ibinuka ko na lang ang bibig ko at hinayaan kong pumasok ang kanyang alaga sa aking bibig. Nang dahil sa posisyong iyon ay halos bumaon at umabot sa tonsils ko ang alaga ni Van kaya medyo nabubulunan ako sa nangyayari pero hinayaan ko lang iyon dahil hindi naman ganoon kahirap na isubo ng buong buo ang sa kanya. Maya maya ay bigla na lamang may umagos na likido sa aking lalamunan. Hindi ko na napigilan ang mga nangyari dahil sa pagkakabaon ng alaga ni Van sa akin. Nalunok kong lahat ang nailabas ng alaga ni Van. First time kong lumunok ng ganun at tinanggap ko ang lahat ng ito dahil mahal ko naman ang taong nagmamay ari nun. Pagkatapos kong malunok lahat ay tinanggal na niya sa aking bibig ang kanyang alaga ngunit nagpatuloy si Van sa kanyang ginagawa sa akin. Nang malapit na akong labasan ay napaungol ako ng konti at sinabi, "Bunso, malapit na ko, aaaaah", halos isang linggo akong hindi nagjakol kaya nang nilabasan ako ay naramdaman kong sobrang dami nun, hindi tinanggal ni Van ang kanyang bibig at sinubukan niya ding inumin ang tamod ko. Ngunit napansin kong naparami iyon at parang nasuka si Van. Nang mailabas ko ng lahat ay agad siyang nagpunta sa CR at parang naduduwal. Sinundan ko siya at pagpasok ko ng CR ay nakita ko na parang may dinura siya. Sinabi niya na yung iba daw ay pumasok sa ilong niya pero nalulon naman daw niya yung iba. Natawa na lang ako sa mga sinabi niya at maging pati siya ay natawa din.

C: Anong lasa bunso?
V: Yung sayo? Walang lasa, tapos parang medyo matamis.
C: Talaga? Matamis?

Natawa ako sa sagot niyang iyon.

V: Ou, bakit? Yung sakin ba?
C: Ampait, sobra. Hanggang ngayon nalalasahan ko pa din yung pait. Ano ba kasing kinain mo?
V: Nagulam kame ng ampalaya kuya eh.

Natawa kaming dalawa sa usapan namen at niyakap ko na lang siya at nagsimula na kaming kumain. Sinusubuan ko siya at ganun din naman siya. Para kaming mag asawa nung gabing iyon. Masaya ako na sa darating kong kaarawan ay mayroon na uling taon dumating na mamahalin ko at mamahalin din ako pabalik. Hindi ko maipaliwanag ang kaligayahan ko nung mga araw na iyon at nagpapasalamat ako dahil dumating si Vin sa buhay ko. Kahit sa Diyos ay nagpapasalamat ako dahil binigay niya si bunso sa akin. Pagkatapos naming kumain ay niligpit ko ang aming mga pinagkainan at umupo kame na magkatabi sa kama.

C: Belated happy monthsary bunso.
V: Advanced Happy Birthday kuya.
C: Salamat bunso. I love you.

Isang halik ang iginanti sa akin ni Van. Hindi siya palasalita ng mga katagang iyon pero sa tuwing sinasabi ko iyon ay hinahalikan niya ako. Sapat na sa akin iyon para malaman ko na mahal niya din ako.

V: Kuya, may ipapakita pala ako sayo.

Tila naulit na naman ang nangyari nung second date namen dahil nagulat na naman ako sa kung ano ang ipapakita niya.

V: Wag mong pagtatawanan ah, pinaghirapan ko to eh.
C: Sige bunso, anu ba yan.

Inilabas niya mula sa kanyang bag ang isang sketch pad at binuklat iyon. Tila may hinahanap siya at hindi niya makita hanggang sa napangiti siya at ipinakita niya iyon sa akin.

V: Ayan oh, regalo ko sayo para sa birthday mo kuya. Pinaghirapan ko yan.

Pinakita niya sa akin ang isang sketch ni Gaara na nakangiti. Natuwa ako dahil alam kong siya iyon at pinaghirapan niya talaga iyong idrowing para sa akin. Muntik na kong maluha sa pinakita niyang iyon at niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.

C: Salamat bunso ah, masaya ako dahil pinaghirapan mo to para maibigay mo sa akin.

Kukuhanin ko na sana ang drowing nang agawin niyang muli sa akin iyon.

V: Eh hindi pa to tapos, kukulayan ko pa tapos ipapalaminate ko kuya tsaka ko ibibigay sayo. Pinakita ko lang muna to sayo.

Nagtampo ako kunwari sa sinabi niya pero hinalikan ko na lamang muli sa at niyakap.

C: Sige, aasahan ko yan ah. Salamat sa gift bunso. Sorry kung wala akong regalo sayo para sa monthsary naten.

V: Ok lang yun kuya, andami mo nang ibinigay sa akin.

C: Alam mo naman kasi na mahal na mahal kita kaya ko ginagawa yun.

V: Salamat kuya.

Nagyakap muli kami at humiga na sa kama. Naulit pa ng ilang beses ang aming pagpapaligaya sa isa't isa ngunit alam namen na para sa amin ay hindi lang sex iyon dahil alam namen na mahal na mahal namen ang isa't isa. Ako naman ay natutuwa nang lubos sa mga nangyayari dahil hindi ko inaasahan na magiging ganito pala kasaya ang magmahal at magpahalaga ng isang tao. Nauna akong makatulog kay Van nuon dahil sobrang pagod talaga ako dahil sa training namen.

Nagising ako bigla at nakita kong nanonood si Van sa dinala kong laptop. Pagkagising ko ay pinatay na din niya ang laptop ko at tumabi sa akin. Nagtoothbrush kame saglit at pagkatapos nun ay nagsimula na naman ang paghahalikan namen hanggang sa matapos na naman ang isang round. Tila wala kaming kapaguran sa pagcecelebrate nung araw na iyon. Pagkatapos nun ay naghugas kame ng aming katawan at nagpahinga. Humiga siya sa balikat ko habang yakap yakap naman niya ako bago kame makatulog. Ngunit bago pa man makatulog ay naghiwalay din kame ng posisyon dahil nahihirapan daw siya sa pwesto namen. Niyakap ko na lamang siya sa gilid.

C: Goodnight bunso.
V: Goodnight kuya.
C: Sweetdreams.
V: Sweetdreams.
C: I love you bunso ko.
V: Mmm kuya.

Humarap siyang muli sa akin at hinalikan muli ako sa aking mga labi.

V: Tulog na tayo.

Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin hanggang sa tuluyan na kaming makatulog na dalawa.

Pagkagising namen ay nagkaron muli kami ng isang round bago maligo at tuluyan ng umalis sa pension house. May pasok si Van nung araw na iyon kaya sabay kami nung pauwe ako at bumaba naman siya sa station ng tren na malapit ang eskwelahan niya. Bago kame umuwi ay kumain muna kame ng almusal dahil nga may pasok siya at tiyak na magugutom siya pagdating niya sa kanilang eskwelahan.

Pagkahiwalay namen sa tren ay may natanggap akong text mula sa kanya.

"Kuya, ingat sa paguwi, salamat sa lahat ha. Advanced happy birthday. Sana maging masaya ka sa birthday mo. I love you kuya. XD"

Nakangiti akong nakasakay sa tren habang binabasa ko ang text ni Van. Masayang masaya ako sa darating na kaarawan ko dahil alam ko ngayon na nandiyan ang pamilya ko at higit sa lahat ay nandiyan din ang taong biglang dumating para muling bigyan ng kulay ang buhay ko --- si Van...

Itutuloy..

*********************************************************************************************
Author's Note

Hi Guys,

Sorry medyo natagalan sa pagupdate. Medyo nahihirapan na po kasi ako sa work at syempre nalulungkot pa din sa mga nangyayari. 6 days na lang at malapit na ang kaarawan ni Jesus. Sana po maging masaya ang Pasko niyo. Sana po patuloy niyo pa ding basahin at magcomment pa din po kayo sa blog ko. Gagawin ko po ang lahat para matapos ko to bago pa man matapos ang taong 2011. Salamat po uli.

-Cedie-
*********************************************************************************************

Miyerkules, Disyembre 14, 2011

XXXI. Our Second Date & My Birthday and our Monthsary Plans

July 23, 2011

Nagkita kame ni Van sa may Cubao Station para sa aming second date. Tulad nung unang date namen, masaya pa din kameng nagkita at syempre late na naman siyang dumating. Nagikot lang kame nung araw na iyon sa mga mall sa cubao hanggang sa makarating kame sa may Ali Mall. Masaya akong kasama kong muli ang taong pinakamamahal ko sa araw na iyon at alam ko namang masaya din siya na kasama niya ako. Kumain kame sa foodcourt at hindi namen nagustuhan ang lasa ng mga lutong ulam ng pinagbilhan namen dun. Nagsinungaling na lamang ako na busog na ko kapag nakikita ko syang busog kaya ayos lang saken kahit hindi masyadong nakakain. Bago kami matapos kumain ay nagusap kame.

V: Ay may ibibigay nga pala ko sayo.
C: Ano yun?
V: Wag mo lalaitin ah, simple lang to.

Inaantay ko ang mga susunod niyang gagawin ng nakita kong may kinuha siya sa bag niya at inilabas ang dalawang keychain. Isang naruto at isang gaara na keychain.

V: Ayan ha, kasi andami mo nang ibinigay saken, baka sabihin mo wala kong binibigay sayo.

Inabot niya sa akin ang keychain na naruto. Tuwang tuwa ako na parang bata at nagsalita muli si Van.

V: Nye, tuwang tuwa ka na agad diyan?
C: Eh syempre, galing sayo.
V: Naalala lang kasi kita nung makita ko yan kaya binili ko.
C: Salamat ah.
V: Ingatan mo yan ha, saken naman tong si Gaara, partner yan ni Naruto.

Ngumiti sa akin si Van at ganun din naman ako sa kanya.

C: Syempre naman iingatan ko to at hinding hindi ko iwawala. Ito ang unang unang bigay ng mahal ko sa akin eh.
V: Adik, tara na mag ikot muna ule tayo. Ayoko pang umuwe kuya.
C: Ako din eh, gusto pa kitang makasama.

Lumibot pa kame at umikot sa mall na iyon. Naglaro din kame sa arcade at sumubok manalo sa prize machine ngunit hindi pinalad. Wala akong masyadong dalang pera noong araw na iyon pagkat hindi pa ako sumusweldo kaya sandaling sandali lang kame naglaro. Naglaban pa kame ng Tekken at nanalo ako laban sa kanya pero natalo ako ng isang bata at pinagtawanan niya ako. Nang mapagod kame ay niyaya ko naman siyang bumili ng drinks.

C: Bunso, gusto mo ng Zagu?
V: Okay lang, bibili ka? Baka wala ka ng pera.
C: Ayos lang, meron pa naman, sakto pa to.
V: Gusto mo ng fries?
C: Okay lang din sige bili na din ako.
V: Hindi, ako na bibili nun, alam ko wala ka ng pera, ako ng bahala.

Binigyan niya ako ng pera na pambili ng fries at bumili na din ako ng Zagu. Inantay namen na magawa ang mga binili namen at kinuha ko na ang mga ito. Habang kumakain ay nagkakatinginan ang mga mata namen. Alam ko na sa mga oras na iyon ay masaya kame talaga at nakikita ko sa mga mata niyang nangungusap ang gusto niyang sabihin. Hindi naman ako nagsasawang sabihin na mahal ko siya sa tuwing may pagkakataon. Nang matapos kaming kumain ay hindi namen namalayan na medyo gumagabi na pala at kailangan na din niyang umuwi. Naglakad na kame papalabas ng mall at sinasadya kong banggain ang kaliwang kamay niya ng aking kanang kamay. Paminsan minsan ay napapangiti na lamang kaming dalawa sa mga gestures na ginagawa namen. Nakarating kame hanggang sa sakayan ng bus. Inihatid ko siya dun para makasakay na muna siya bago ko umuwi. Nagabang kame ng bus na masasakyan niya at nang may dumating na ay nagpaalam na ko. "Yngat bunso, text ka pagdating mo ng bahay ah", sabi ko sa kanya. "Ikaw din kuya, salamat, maya na lang uli." Tinanaw ko ang pagsakay niya ng bus hanggang sa makaalis ito. Naglakad nang muli ako papunta sa sakayan ng jeep para makauwe na din sa amin. Nagtext muli ako kay Van, "Magingat ka, namiss kita, Ilove you bunso." Natanggap ko naman ang reply niya, "Sige kuya, magiingat ka din, salamat po ah, nagenjoy ako. Ilove you too. XD" Masaya akong sumakay ng jeep papauwe sa bahay.

Pagdating sa bahay ay wala pa ding text si Van. Alam kong mas malapit ang bahay namen sa kanila kung manggagaling kame ng Cubao kaya nagpahinga muna ako at nanood ng Tv. Mga ilang sandali lang naman ay natanggap ko na ang text niya na nasa bahay na siya at nagreply naman ako na magpahinga na muna siya. Mga ilang oras pagtapos nun ay nagusap na kame sa text. Sa paguusap namen sa text ay napagusapan namen ang papalapit ko ng birthday at ang aming monthsary. Malapit na nga din palang mag isang buwan mula nung naging kame kaya napagplanuhan namen at napagkasunduan ang isang bagay sa nalalapit na araw na iyon - OVERNIGHT. Sa overnight na iyon ay pinagusapan namen kung anong mga gagawin namen. Kung magiinom ba kami bago pumasok sa pension house na pinuntahan namen dati o kung doon na lang mismo maginom. Napagusapan din namen ang isang bagay na hindi ko na dapat sabihin dito pero nagkaroon kame ng usapan na mula sa araw na iyon hanggang sa July 29 kung kelan kame magoovernight ay tanging "Pineapple Juice" lang ang iinumin namen. Para kaming bata na naeexcite sa mga darating na araw ng aming pagkikitang muli. Matapos ang lahat ng paguusap namen at ang iba pang pribadong pinagusapan namen ay nagpasya na kameng matulog. Bago matulog ay ganun pa din ako sa kanya, hindi ko nalilimutang mag Ilove you sa kanya at maging siya naman ay sumasagot din ng ganun. Masaya pa din ako nung gabing iyon bago ako matulog at nagpapasalamat pa din sa Diyos sa mga nangyayari.

Lunes, January 26, 2011 ay pumasok ako sa trabaho nang mas maaga dahil sa dami ng tao sa MRT at ayaw kong makipagsiksikan pag sumasakay ako dito. May hindi inaasahang pangyayari na naganap nuong araw na iyon. Pagpasok ko ng tren, habang nakikinig ako sa aking Ipod ay bigla na lamang tumigil ito sa pagtugtog hanggang sa tuluyan akong makapasok sa tren. Ang akala ko noon ay natanggal lamang ang headset ko sa pagkakasaksak dito ngunit nang kapain ko sa aking pantalon ang aking Ipod ay wala na ito. Nadukutan ako sa loob ng tren. Nalungkot ako at kinabahan sa mga nangyari dahil isa sa pinakaiingatan kong gamit iyon. Regalo sa akin iyon ng kapatid ko noong graduation ko. Agad kong tinext si Van tungkol dito at sa isang reply niya lang ay parang nawala na lahat ng problema ko. "Awww kuya okay lang yan. Alam kong mahalaga sayo ang Ipod na iyon. Magiingat ka parati ah. Papasok na din ako. Hug. Wag ka nang malungkot kuya." Sa loob loob ko ay parang nakahinga pa din ako ng maluwag, kahit may sentimental value ang bagay na iyon ay marami pa din namang mas mahalaga sa akin, isa na dun si Van. Nagreply naman ako, "Opo hindi na ko malulungkot, mawala na sa akin ang lahat, wag ka lang Mahal ko." Nakangiti akong sinend yun sa kanya at tuluyan na akong pumasok sa trabaho.

July 28, 2001 ay nagkita kami pagkatapos ng aking training dahil nga monthsary na namen iyon. Pumayag naman siya at nagkita nga kami sa Magallanes station ng MRT. Pagod na pagod ako nung araw na iyon pero katulad ng dati, nung makita ko si Van ay parang nawala ang lahat ng pagod ko lalo na nang makita ko ang kanyang maamong mukha. Tumambay lang kame sa station na yun at pinagusapan ang lahat ng gagawin bukas, pasimple akong bumati sa kanya ng "Happy Monthsary" at sinabi ko na wala pa akong nabibiling regalo sa kanya para sa monthsary namen. Sumagot siya na okay lang naman yun dahil wala siyang ibibigay. Ayos lang din naman saken yun, ang mahalaga ay andun kame para sa isa't isa. Nagusap lang kame sandali at napagusapan ang future. Kung ano kaya ang mangyayari sa amin sa mga susunod na buwan at mga taon. Pero para sa akin, nakikita ko ang hinaharap na kasama siya at pareho kaming masaya. Alam kong bata pa siya pero sa lahat ng pinagdaanan ko, tila hindi ko siya naisip at inihanda ko na agad ang hinaharap. Umaasa naman ako sa mga oras na iyon na ang relasyon namen, kahit alam kong mali sa paningin ng ibang tao, ay sana abutin na ng pangmatagalan. Nakangiti lamang siya sa mga sinasabi ko at nasabi niya "Salamat kuya, dahil mahal mo ko."

Matapos ang gabing iyon ay naghiwalay na kame ng daan upang umuwi sa kani-kaniyang bahay. Bukas ay magkikita muli kame para sa celebration ng aming monthsary at ng aking darating na ika-22 taong kaarawan.

Itutuloy..

*********************************************************************************************
Hi Guys,

Mukhang busy na po lahat ng nagbabasa ng stories ko. Kasi wala nang nagcocomment. Pero salamat pa din po at alam ko pa din namang nababasa niyo to dahil nagtetext naman kayo. Tulad ng dati, napaluha na naman ako dito dahil sa mga masasayang alaala at ang mga salitang narinig kong binigkas ng mga bibig ng taong mahal ko. Hindi ko alam kung kelan ba ule ako magiging masaya tulad ng mga panahong masaya ko dito. Sana dumating pa din yung araw na iyon lalo na ngayong magpapasko. Ang pinakamahirap na yatang pakiramdam at isipin kapag hindi ka na nakikita ng taong gusto mong makita is yung kung iniisip ka pa ba nila dahil namimiss ka din nila or tuluyan nang wala na silang pakialam sa iyo dahil para sa kanila isa ka lang masamang panaginip.

Salamat pa din po sa patuloy na pagbabasa at pagfollow sa blog ko. Nasa PMS na po pala tong story ko at nasa Chapter 9 na yata siya by this time dun. I'll update as soon as I can po. Maraming salamat.

-Cedie-
*********************************************************************************************

Lunes, Disyembre 12, 2011

XXX. God Gave Me You

July 11, 2011

First day ko sa trabaho ngayong araw na to. Magkatext pa din kame ni Van at naging masaya at ok kame magmula nung unang gabi na magkasama kame. Masaya akong pumasok sa trabaho para sa orientation. Hanggang ngayon ay nagiisip pa din ako kung anong kanta ba ang bagay sa amen ni Van na pwede nameng gawing theme song para sa aming dalawa. Matagal na kasi nameng pinaguusapan kung ano ba talaga ang pwede na makakarelate kameng pareho. Umalis na ako ng bahay ng nakacorporate attire papasok sa unang araw ng trabaho.

Habang nasa biyahe sa narinig ko ang isang kanta na pinapatugtog ng sinasakyan kong jeep at pamilyar na naman sa akin ang kantang iyon ngunit ng mapakinggan kong muli ay parang kakaiba siya ngayon dahil halos lahat ng mga linya dito ay nairerelate ko sa mga nangyayari sa akin ngayon. Pinikit ko ang aking mata habang pinakikinggan ang pagtugtog nito.

For all the times I felt cheated, I complained
You know how I love to complain
For all the wrongs I repeated, though I was to blame
I still cursed that rain
I didn't have a prayer, didn't have a clue
Then out of the blue

God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me you

For all the times I wore my self pity like a favorite shirt
All wrapped up in that hurt
For every glass I saw, I saw half empty
Now it overflows like a river through my soul
From every doubt I had, I'm finally free
I truly believe

God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me you

In your arms I'm someone new
With ever tender kiss from you
Oh must confess
I've been blessed

God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why (didn't know why)
Now I do (I finally do), 'cause God gave me you (God gave me You)

God gave me you


Natuwa ako sa kantang iyon at bago pa man ako bumaba ng jeep ay parang nagkaroon ako ng LSS at tumutugtog pa din ito sa aking isipan. Mamayang paguwe ko ay siguradong sasabihin ko ito kay Van. Pumasok na ako sa kumpanyang aking papasukan ng nakangiti.

Unang araw namen at orientation lang pala ang mangyayari. Nakaupo kame buong hapon at nakikinig sa mga speakers at kumakaen ng free lunch at snacks na sagot naman ng company. Nalaman ko na hanggang bukas ay orientation pa din kaya natuwa ako dahil libre pa din ang pagkain kinabukasan. Excited akong umuwi sa bahay para itext si Van. Bago pa man ako makauwe ay tinext ko na sya na may sasabihin akong mahalaga at hihintayin ko ang text niya mamayang gabi pagdating ko ng bahay.

Pagdating ko ng bahay ay nagtext naman si Van at kinamusta ako sa unang araw ng trabaho ko. Sinabi niya din na wala siyang unli at free texts lang ang gamit niya kaya hindi na ko nagpasikot sikot.

C: Bunso, alam mo yung kantang God Gave Me You?
V: Hindi yata kuya, bakit?
C: Pakinggan mo siya, download mo ha, pwede naten siya gawin theme song naten pag nagustuhan mo.
V: Ah sige kuya, pakinggan ko. Yngat ka ha, text tayo pag unli na ule ako, mwa. XD
C: Sige bunso, ikaw din ingat. I Luv u. hehe.

Nagpahinga ako sandali at kinamusta din ako nina mama sa first day ng trabaho. Matapos nun ay inihanda ko naman ang mga damit na isusuot ko para bukas. Bilang isang engineer ay apat na araw akong nakacorporate attire at tuwing friday lang pwedeng magsuot ng smart casual attire kaya kailangan ko nang magipon ng mga longsleeves para sa trabaho. Matapos nito ay nagbukas ako ng laptop at nagdownload ako ng kanta at syempre dinownload ko ang kantang God Gave Me You at nalaman ko na ang singer pala nun ay si Bryan White. Pagkatapos nun ay nagdasal ako at nagpasalamat sa Diyos sa mga bagay na dumating sa buhay ko, lalong lalo na sa pagbibigay niya sakin kay Van. Nagtext din ako kay Van ng goodnight at I love you muli bago ko nakinig ng music sa Ipod ko at natulog nang muli para magkaroon ng lakas na harapin ang isang panibagong araw kinabukasan.

Pagkagising ko nang umaga ay nagtext muli ako kay Van ng goodmorning. Nagiging habit ko na i-update ang mahal ko sa lahat ng ginagawa ko kahit hindi siya nagrereply dahil alam kong gusto niyang alam niya kung nasaan ako at napagusapan namen na at least three times a week niya kong gustong nakikita dahil pabiro niyang sinasabi na kailangan ma charge ang pagmamahal niya sa akin kaya kailangan nameng magkita kahit dalawa o tatlong beses sa isang linggo. Sa akin naman ay walang problema yun dahil masaya naman ako sa tuwing nakakasama ko siya. Sa ikalawang araw ng orientation namen ay kung ano ano pang mga company rules and regulations ang diniscuss ng mga speaker. Sa pagtatapos ng araw na iyon ay magsisimula na ang training namen bukas sa Taguig. Magsisimula na ang unang hakbang sa pagtatrabaho ko. Iniisip ko sa oras na iyon ay kung paano ko babalansehin ang trabaho, pamilya at lovelife ko nang walang maiiwanan sa tatlo pero sinabi ko sa sarili ko na hanggang may inspirasyon ako ay kakayanin ko ito.

Nagsimula ang training ko sa Taguig at sa unang tatlong araw ay nagkaroon ako ng mga panibagong kaibigan. Parang mga magkakaklase lang kame sa training dahil halos magkakasing edad lang kaming lahat dito at magkakasundo pa kame sa ibang mga bagay. Dumating ang weekend at napagusapan namen ni Van na magkita sa araw ng sabado para lang kamustahin ang isa't isa. Nagkita kame nung araw na iyon at nagkamustahan lang sa kung ano-ano ang mga nangyari noong linggong iyon. Namiss namen ang isa't isa kaya paminsan minsan ay tulad ng dati na sinasadya kong banggain ang kanyang mga kamay at natatawa na lang kame sa sweetness namen na hindi naman namin ipinahahalata sa public. Nagsabi din ako na baka sa susunod na sabado na ule kame magkikita dahil kailangan ko pang mag adjust sa trabaho ko. Akala ko ay magtatampo siya ngunit naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin. Bumawi na lamang ako sa kanya nung sabihin ko na pwede naman ako makipagkita sa kanya after work dahil nadadaanan naman niya pauwi ang Magallanes Station ng Mrt kung saan naman ako sumasakay pauwe. Dahil dito ay nakita kong muli ang ngiti sa mga mukha ni Van na siyang nagpapaligaya din sa akin. Kumain kame at nag ikot ikot lang sa mall na pinagkitaan namen. Gabi na nung muli kaming naghiwalay. Dahil weekend naman ay magkatext din kame dahil lagi siyang unli pag weekend.

Naging ganito ang setup namen ni Van. Tuwing weekend ay nagkakatext kame at nagkikita at nagkukuwentuhan sa mga naganap nitong linggong ito. Nagkikita din kami minsan kahit sandali pagkatapos ng training ko at kumakain ng siomai. Sa mga simpleng pangyayari na ganito ay alam kong masaya naman siya at ganun din naman ako. Sa tuwing nakikita ko siya ay parang natatanggal ang lahat ng pagod ko sa trabaho at napapalitan ng tuwa at saya. Nagkaroon kame ng isang pagkikita kung saan binigay ko sa kanya ang paborito kong sweatshirt at nagpasalamat siya. Pinagliitan ko na iyon at dalawang beses ko lang naisuot at tingin ko naman ay babagay sa kanya kaya ibinigay ko sa kanya ito. Sa tuwing nagkikita kasi kame ay palagi ko siyang binibigyan ng chocolates at hindi ko siya hinahayaan na magutom. Nahiya naman siya dahil sinasabi niya na andami ko nang binibigay sa kanya. Sumasagot naman ako na sapat na ang pagmamahal niya bilang kabayaran sa lahat. Napakinggan na din niya ang kanta at sinabi niyang maganda nga daw ito at pumayag na din siya na ito na ang magiging theme song namen. Sa simpleng bagay na yun ay kinikilig na ko na parang babae at natatawa na lang ako paminsan minsan sa mga nangyayari. Bago kame naghiwalay nung gabing iyon ay nagplano kame ng gagawin sa araw ng Sabado, July 23, 2011.

Pagkahiwalay namen ng landas ay nagisip ako kung ano nga bang magandang gawin para sa aming ikalawang date.

Itutuloy...

*********************************************************************************************
Author's Note
Hi Guys,

It's really a mixture of joy and sorrow when reminiscing times you'd want to happen again. Napa english ako dun. Susubukan ko pong magupdate parati para makaabot ako sa present time ASAP. Yung theme song po namen, God Gave Me You ay kinanta ni Bryan White. Try niyong i-download, masarap siyang pakinggan. Hanggang ngayon ay may playlist pa din sa IPhone ko si Van. Ikukwento ko din po sa inyo yun pero matagal tagal pa bago makarating sa chapter na iyon. Asan na kaya siya ngayon?

Goodnight guys, may pasok pa po ako mamaya. Thanks sa insomnia ko at sa kalungkutan ko nakapagupdate ako ngayon ng isang bagong chapter..

-Cedie-
*********************************************************************************************

Linggo, Disyembre 11, 2011

XXIX. Our First Night Together

July 4, 2011

Kinabukasan ay nagkita kame ni Van pagkatapos ng kanyang klase sa isang mall malapit sa amin. Matamlay ako nung araw na iyon at tila napansin ni Van iyon. Naghanap kame ng isang spot sa mall kung saan pwede kameng magusap ng tahimik at walang nakakarinig sa aming paguusapan. Wala kameng nakitang tahimik na lugar kaya umakyat kame sa 4th floor ng mall at pumunta sa karaoke hub na madalas puntahan ng barkada namen nung college days. Nagrent kame ng room for one hour with 12 songs. Nagsimula muna akong maghanap ng iba't ibang kanta na papatugtugin ko bago kame magusap. Tahimik ako nun at halatang masama ang loob sa nangyayari. Pinatugtog ko ang cool off ni Yeng Constantino.

Wag mong isipin na hindi ka na mahal
Sarili ko ay hahanapin ko lang
At ang panahon at ang oras ng aking pagkawala
Ay para din sa ating dalawa..

Hindi ko din alam kung bakit yun ang una kong pinili. Siguro ay dahil nga sa gusto niyang makipagbreak at tingin ko ay yun ang gusto niyang mangyari. Ang makipag cool-off.

C: Seryoso ka ba sa gusto mong mangyari?
V: Ewan ko. Hindi ko alam. Nalilito ako. Ang bilis kasi.
C: Mahal kita. Wag mo namang gawin sa akin to Van.
V: Hindi naman ako mawawala. Katulad pa din tayo ng dati.

Halos maluha luha na akong nakikipagusap sa kanya. Nagpatugtog pa ko ng ibang kanta hanggang sa pinatugtog ko naman ang stitiches and burns ng Fra Lippo Lippi.

People say that I'm a fool
Well I don't know
At least I found out
What it takes to be strong
I was dreaming all day long
A drifting cloud
With eyes wide open
I would choose not to see


*Now I don't want
To see you anymore
Don't want to be the one
To play your game
Not even if you smile
Your sweetest smile
Not even if you beg me
Darling please
Say good morning to the world
I hope you like it
Take good care of all those
Things that we have
I've been looking for a way
For to long now
Seems like everything
Must come to an end 


Time after time
Nothing that I can do
Knowing your ways
And loving your ways
But not getting through at all
Day after day
Leaving the past behind
Coming to terms
With stitches and burns and
Learning to fly again

Habang kinakanta ko ang kantang ito ay nakatingin lang siya sa akin habang ako ay halos malapit ng umiyak dahil sa confrontation. Ngunit dahil alam kong nasa public place kame ay pinipigilan kong umiyak dahil baka may dumaan at makita ako sa pintuan na umiiyak na kasama ang isa pang lalaki. Sumunod naman na pinatugtog ko ay ang kay Craig David na I Just Don't Love You No More.

For all the years that I've known you baby
I can't figure out the reason why lately you've been acting so cold
(didn't you say)
If there's a problem we should work it out
So why you giving me the cold shoulder now
Like you don't even wanna talk to me girl
(tell me)
Ok I know I was late again
I made you mad and dinners thrown in (the bin)
But why are you making this thing drag on so long
(I wanna know)
I'm sick and tired of this silly game
(silly games)
Don't think that I'm the only one here to blame
It's not me here who's been going round slamming doors
That's when you turned and said to me
I don't care babe who's right or wrong
I just don't love you no more.

Rain outside my window pouring down
What now, your gone, my fault, I'm sorry
Feeling like a fool cause I let you down
Now it's, too late, to turn it around
I'm sorry for the tears I made you cry
I guess this time it really is goodbye
You made it clear when you said
I just don't love you no more

I know that I made a few mistakes
But never thought that things would turn out this way
Cause I'm missing something now that your gone
(I see it all so clearly)
Me at the door with you in a state
(in a state)
Giving my reasons but as you look away
I can see a tear roll down your face
That's when you turned and said to me
I don't care babe who's right or wrong
I just don't love you no more.

Rain outside my window pouring down
What now, your gone, my fault, I'm sorry
Feeling like a fool cause I let you down
Now it's, too late, to turn it around
I'm sorry for the tears I made you cry
I guess this time it really is goodbye
You made it clear when you said
I just don't love you no more
[BRIDGE]
Don't say those words it's so hard
They turn my whole world upside down
Girl you caught me completely off guard
On the night you said to me
I just don't love you more.

Rain outside my window pouring down
What now, your gone, my fault, I'm sorry
Feeling like a fool cause I let you down
Now it's, too late, to turn it around
I'm sorry for the tears I made you cry
I guess this time it really is goodbye
You made it clear when you said
I just don't love you no more


Habang kinakanta ko na ito ay nawalan na ko ng kontrol sa sarili ko at hindi ko na napigilang umiyak. Dito ko nasabi sa sarili ko na sa kahit sandaling oras na nakasama ko si Van ay talagang nahulog ang loob ko sa kanya at alam ko na mahal ko na talaga siya. Handa ko ng tanggapin ang sarili ko bilang isang "bi" dahil umibig na talaga ko sa isang lalaki. Pilit kong tinatapos ang kanta pero mas nanaig ang pagiyak at paghikbi ko habang ginagawa yun. Nakita ito ni Van at sinimulan niyang haplusin ang likod ko na parang pinapatahan ako. "Tama na yan, sige na di na ko mawawala kuya, Sorry." Narinig ko ang mga sinabi niya at pasimple kong pinisil ang kanyang kamay at humarap sa kanya. Napakaamo ng mukha ni Van. Kung wala lang sanang makakakita sa amin dun ay niyakap at hinalikan ko na sana sya kanina pa. Mahinahon niyang sinabi, "Tama na yan, wag ka nang umiyak kuya, tara alis na tayo." "Salamat bunso ah, san na tayo punta nyan?", tanong ko sa kanya. "Hindi ko alam kuya, pero ikot muna tayo, gusto pa kita makasama", sagot naman ni Van sa akin. Lumabas kame ng karaoke hub at umikot muna sandali sa mall. Nang medyo napagod kame na umikot ay nagyaya na akong umuwi. Bago pa kame makasakay ay nagusap kame ni Van.

V: Kuya, ayoko pang umuwe.
C: Ha? Eh san tayo pupunta bunso?
V: Hindi ko alam. Pero gusto kong makasama ka ngayong gabi. Ok lang ba sayo kuya?
C: Sige, gusto mo matulog tayo kung saan? Pero uuwi muna ako sa bahay. Wala kong dalang pera eh.
V: Nakakahiya naman kuya.
C: Ok lang, gusto din kita makasama. Masaya ako na kasama kita.
V: Salamat.
C: Tara uwi muna tayo sa amin. Antayin mo ko sa kanto tapos kukuha lang ako ng pera tapos punta na tayo sa alam kong lugar.
V: Sige. Bilisan mo ah para di ak mag antay ng matagal.
C: Magrent ka na muna sa internet shop sa kanto namen para di ka mainip.

Sumakay na nga kame ng jeep papunta sa bahay. Pagbaba namen ng jeep ay inihatid ko sya sa computer shop at sinabi kong antayin niya muna ako doon at kukuha lang ako ng damit at ng pera. Pumasok na siya sa comshop at naglakad na ko patungong bahay. Pagdating ko doon ay nagusap kame ng mama ko dahil manghihiram ako ng pera para sa gagastusin namen ni Van mamaya.

Cedie (C) and My Mom (M)

M: Oh anak, nandito ka na? Akala ko ba mamaya ka pa uuwi?
C: Umuwi po muna ko, dun po ako makikitulog sa kaklase ko Ma. Tutulungan ko po sila sa thesis nila.
M: Ambait naman ng anak ko, oh sige pero mag iingat ka ha.
C: Ma pwede po ba humiram muna ko ng 1k kasi nagpapalibre na din sila bilang treat nung pagpasa ko sa board.
M: Ha? 1000? Bakit ganun kalaki?
C: Eh ma para lang sure, bayaran ko naman po agad kayo pagsweldo ko. Malapit na din naman po akong magtrabaho.
M: Oh sige anak sandali lang akyat lang ako.

Nagsinungaling ako sa mama ko kung saan ba talaga ko pupunta dahil ayokong malaman nila kung ano na nga ba ang nangyayari sa akin dahil hindi pa ako handa na ipagtapat sa kanila at usapan naman namen talaga ni Van na magiging isang sikretong relasyon ang mangyayari sa amin dahil hindi pa kami handang magtapat o wala talagang balak na ipagtapat pa ang aming relasyon. Kumuha ako ng damit at bag at kumuha ng konting snacks sa groceries namen. Matapos bumaba ng mama ko ay inabutan niya ako ng 1000 pesos at nagpaalam na din agad ako sa kanya. Nagmamadali akong umalis ng bahay dahil alam kong nagaantay si Van sa akin sa kanto. Pagdating ko sa netshop ay nagiinternet pa din naman si Van at kinakalikot ang facebook niya. Tumayo ako sa likod niya at napatingin siya sa akin. Nagsalita ako, "Tara na. Tapos ka na ba?" "Opentime naman ako. Sige out na ko", sagot naman ni Van. Nagbayad siya ng rent at lumabas na kami ng netshop. Tinatanong ni Van kung saan kame pupunta at sinabi kong magtiwala na lamang siya saken dahil alam kong safe sa pupuntahan namen. Ngumiti na lamang siya at sumakay na kame sa jeep.

Habang nasa biyahe ay magkatabi kame sa jeep. Minsan ay pasimple kong binabangga ang tuhod niya ng tuhod ko at nakukuha naman niya ang ibig sabihin dahil gumaganti din siya sa aking ginagawa. Masaya akong kasama si Van noong gabing iyon dahil ramdam ko na masaya din siya sa kung anong meron kame. Minsan ay pasimple din na dumadapo ang aking kamay sa kanyang kamay pero hindi kame nagpapahalata sa mga taong nakasakay sa jeep. Pagdating namen sa lugar kung saan kame magchecheck in ay itinuro ko muna ang pupuntahan namen at mukhang palagay naman siya sa lugar. Bago kame pumasok ay bumili muna kame ng pagkain sa fastfood malapit sa pension house na iyon. Pagkatapos nameng bumili ng pagkain ay pumasok na kame sa loob ng pension house. Hindi naman nakakailang pumasok doon dahil dalawang tao lang naman ang haharapin namen at alam kong walang makakakilala sa amin dun dahil parehong malayo ang lugar na iyon sa mga bahay namen. Nagbayad ako ng rent for 12 hours at inihatid na kame ng roomboy sa kwarto na tutulugan namen. Pagkapasok namen ay agad kong isinara ang pinto at tinignan ang buong kwarto. Mukhang maayos naman ito at maging si Van ay parang sumangayon sa aking napansin. Pagtapos nun ay lumapit agad ako sa kanya at hinalikan siya sa kanyang mga labi. Gumanti naman siya ng halik at niyakap ko siya ng mahigpit dahil namiss ko din naman siya kahit na halos 2 araw pa lang kaming hindi nagkikita. Pagkatapos nameng maghalikan ay nagkatinginan kame at sabay na ngumiti.

C: Namiss kita bunso.
V: Ako din. Salamat ha. Pasensya na din kasi napagastos ka pa.
C: Ano ka ba. Ayos lang. Kasama naman kita buong gabi. Sapat na yung kabayaran na yun.
V: Salamat kuya.
C: Kain na tayo bunso. Nagugutom na ko eh.
V: Sige. Ako din eh.

Isang matamis na ngiti ang ibinigay sa akin ni Van. Isang ngiti na tila makakapagpatanggal sa lahat ng alalahanin ko at problema. Mahal na mahal ko nga siya. Dahil sa araw na iyon ay maraming nangyari na nagpapatunay na kaya kong gawin ang lahat para lang sa taong mahal ko. Kumain na kame at nagsusubuan ng pagkain na binili namen. Pagkatapos nun ay nagtoothbrush na kame at nagtanggal ng pantalon at humiga na sa kama. Bago pa man tuluyang makahiga sa kama ay hinalikan kong muli si Van at tuluyan na kameng nahiga sa kama na nakapatong ako sa kanya. Pag nagkakahiwalay ang aming mga labi ay pumupunta ang aking mga labi sa tenga niya at napansin ko ang matinding pag ungol nito kapag ginagawa ko ang bagay na iyon. Sinimulan ko na ding tanggalin ang aking damit maging ang kanyang suot na tshirt at natira na lang din sa amin ay ang aming mga suot na underwear. Pagkatanggal ng aming mga damit ay niromansa ko nang mabuti si Van. Napunta ang aking mga labi sa kanyang tenga, pabalik sa kanyang labi, sa kanyang mga dibdib, hanggang sa kanyang pusod. Tila hindi mapakali si Van sa aking ginagawa dahil sa pagungol nito. Mas mainit ang aming ginagawa ngayon kung ikukumpara sa mga nangyari sa amin sa bahay dahil hindi kame nagmamadali sa mga oras na ito. Unti unti kong hinubad ang aking boxers at brief at pati siya ay ginaya na din ako. Mas lalong uminit ang aming pakiramdam ng maglapat ang amin mga hubad na katawan. Bumaliktad naman siya at ginaya din niya ang mga ginagawa ko sa kanya. Napansin ko na pinagbubutihan niya din ang kanyang ginagawa at hindi ko na napigilan ang sarili ko na umibabaw uli at ako naman ang gumalaw. Hinalikan ko ule si Van at inumpisahan ko ng bumaba ng pwesto papunta sa kanyang pusod. Bumaligtad ako ng posisyon at natapat na ang alaga ni Van sa mukha ko at maging ang alaga ko sa mukha niya. Hindi gaanong kalakihan ang alaga ni Van kung ikukumpara sa akin pero hindi ko pinansin iyon dahil mula nung una pa lang kaming nagkita ay siya na agad ang nagkumpara sa mga alaga namen at talagang nagulat siya sa laki ng alaga ko. Para sa akin naman ay wala namang halaga iyon basta't mahal mo ang isang tao ay tanggap mo ang lahat ng meron sa kanya. Sinimulan ko ng isubo ang alaga ni Van at nilaro ng aking mga dila ang mga itlog niya at naglabas masok na din ang kanyang alaga sa aking bibig. Alam ko naman kung paano ang nakakapagpasarap sa isang lalaki dahil naman lalaki din ako. Maya maya ay naramdaman kong isinubo na din ni Van ang alaga ko at nagulat ako at napaungol sa kanyang ginawa. "Ahhh bunso", ang mga salitang nasambit ko sa panggagaya niya sa kung ano man ang ginagawa ko sa kanya. Mga ilang sandali pa ay hindi ko inaasahan na nilabasan na pala si Van. Hindi siya nagsabi na malapit na siya dahil nga nakasubo din ang alaga ko sa bibig niya. Huli na ang lahat ng sumigaw siya ng "Kuya" dahil nga tumalsik na ang katas niya at nalasahan ko iyon sa bibig ko at hindi ko sinsadyang malunok. Nang matapos siya ay sandaling tumigil siya sa kanyang ginagawa at nagsalita.

V: Kuya, nilabasan na ko.
C: Oo nga bunso, nalunok ko nga yung iba eh.
V: Ay sorry! Hindi ko sinasadya kuya.

Bumaligtad siya ng pwesto at tumabi sa akin. Alam kong natatawa siya sa nangyari dahil hindi nga namen sinasadya iyon. "Ayos lang bunso. Hindi naman masama yung lasa.", pabiro kong sabi. Kahit madilim ang kwarto namen ay alam kong natatawa siya sa mga biro ko at nagusap kami uli.

V: Ok na ko, eh pano ka?
C: Ayos lang, magjajakol na lang ako. Tulungan mo na lang ako bunso.

Hinalikan niya ako habang nagtaas baba ang mga kamay ko sa aking alaga. Nilaro din ng kanyang mga dila ang utong ko hanggang sa mapaungol ako at nilabasan na din ako. Matapos nito ay nakahiga lang kame at pinapakiramdaman ang paghinga ng bawat isa. Nang makaramdam na kami ng panlalagkit ay nagpasya kameng maligo saglit para matanggal ang mga dumikit na tamod sa aming mga katawan. Pagkatapos magbanlaw ay humiga uli kame at nag usap.

V: Kuya, salamat ah.
C: Para saan?
V: Kasi pumayag ka na makasama kita ngayon.
C: Ayos lang bunso, salamat din kasi di ka na nakipagbreak sa akin.
V: Ok lang kuya, wag ka nang iiyak ha. Ayokong makita kang umiiyak.
C: Opo, wag mo lang akong iiwan, hinding hindi na ko iiyak.
V: Oo kuya, hindi ko na gagawin yun.
C: Mahal mo na ba ko talaga bunso?
V: Oo kuya. Mahal kita kasi alam kong mahal mo ko.
C: Mahal na mahal kita. Kahit sandali pa lang tayong magkasama alam ko na mahal na talaga kita. Poprotektahan kita bunso at aalagaan. Di kita papabayaan. I LOVE YOU Vin.
V: I love you too kuya.
C: Weeksary na pala naten, July 05 na oh. Happy weeksary bunso.

Ngumiti si Van sa akin at yumakap siya sa akin habang nakasandal ang ulo niya sa aking kanang balikat.Nagkuwentuhan pa kame ng kung ano ano nung gabing iyon. Ang pangarap ni Van na kumuha ng kursong Architecture dahil ComSci ang kanyang course. Ang kulitan namen kung alin ang mas magandang course. Ang malapit ng magumpisa na trabaho ko at marami pang iba. Masayang masaya ako nung gabing iyon. Kung pwede lang na magkasama na kame parati ni Van ay gagawin ko. Naramdaman ko na mahal na din niya ako at alam kong masaya din siya sa piling ko. Masayang masaya talaga ko dahil nakita ko uli ang sarili ko na masigla at nagkaroon ng inspirasyon na ipagpatuloy ang buhay na may ngiti. Dahil nga mga bata pa kami ay hindi namen napigilan na ulitin pa ang pangyayari ng ilang ulit bago kami makatulog sa sobrang pagod. Bago matulog ay nagusap muli kame.

C: Bunso, wag mo na uulitin yung pakikipagbreak ah.
V: Opo, sorry kuya kung naisip ko agad yun ha.
C: Okay lang po, ang mahalaga okay na uli tayo.
V: Sige tulog na tayo.
C: Goodnight bunso.
V: Goodnight kuya.
C: I love you.

Isang halik sa labi ang isinagot ni Van at niyakap niya ako hanggang sa kami ay makatulog na ng mahimbing. Bago ako matulog ay iniisip ko kung ano nga ba ang mangyayari pa sa amin ni Van sa mga susunod pang araw at sa mga darating pang buwan. Pero pinanghawakan ko ang pagmamahal ko sa kanya at sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para maging masaya siya.

Pagkagising namen kinaumagahan ay naulit pa ng isang beses ang mga nangyari kagabe at naligo na kame bago umalis ng pension house. Bago pa man kame makaalis ay kumuha ako ng picture nameng dalawa bilang souvenir ng unang gabing magkasama kame. Bago lumabas ng pintuan ay nagsabi uli ako ng I love you at gumanti naman siya ng isang matamis na halik. Niyakap ko siya ng mahigpit at niyakap niya din naman ako. Paglabas namen ng pension house ay nag almusal din muna kame sa isang fastfood at matapos nun ay sumakay na kame pauwi. Sabay kaming sumakay ng jeep at nakangiti lang sa isa't isa habang nasa biyahe. Nauna akong bumaba sa kanya nang dumaan na sa may kanto namen ang jeep at nagpaalam ako. Nagtext agad ako sa kanya, "Yngat ka bunso, Love you, text mo agad ako pag nakauwe ka na ah, happy weeksary, hehe." Mabilis ko namang natanggap ang reply niya. "Salamat kuya, sige po magtetext ako, Love you too, happy weeksary. XD." Masaya akong naglakad papauwi ng bahay habang iniisip pa din ang taong pinakamamahal ko - si Van.

Itutuloy..

*********************************************************************************************
Author's Note

Hi Guys,
This chapter brought tears to my eyes. Masakit din pala talagang alalahanin yung mga oras na naging masaya ka at hindi mo alam kung mauulit pa ba ito o parang magiging isang masayang alaala o panaginip na lamang ba. Malapit na po ang Pasko at sana ay matapos ko na ang kwentong ito. Please tell me guys kung nagiging masyadong madrama na po ba yung kwento ko. Pero I hate to admit it, this is real life. Sana lang po maging masaya ang Pasko niyo. Ako kasi kahit anong pilit ko alam ko may halong kalungkutan pa din yung Pasko ko. Please keep on reading and looking forward for your comments guys.

-Cedie-
*********************************************************************************************